Chapter 26: Twisted Love

2.8K 112 4
                                    

Luciano's POV

I bared it all. Unmasked. Opened my soul, and she just stared at me, astonished.

I strode unhurried, closer to her where she stood like a statue. Sensual lips partially parted, and eyes slanted, brimming with doubt and... disapproval?

Umiling siya. Saka tumawa ng marahan. Puno ng pagtataka at may bahid na panunuya.

"I can't believe this!" she murmured, looking up at the ceiling briefly, then heaved a deep, lungful of sigh. 

"Is that all you can say? Sinabi ko na sa iyo ang totoong nararamdaman ko. I bared my soul to you, tapos tutuyain mo lang ako?" bumalik ang inis sa aking dibdib.

Tumigil ako ng halos isang dangkal nalang ang aming layo at niyuko siya.

Napamasahe ito sa kanyang sentido.

"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa iyo, Luciano. You are hot..." she snickered, "and then cold..." tumingala ito at sinalubong ang aking mga mata. 

She looked up at him under her dark, long lashes with genuine dubious curiosity. 

"Ano ang gusto mong sabihin ko— gawin ko?" tila nahahapong sagot ko. 

Ayaw nitong maniwala sa sinasabi ko, hindi ko na alam kung papanong kumbinsihin siya, ngunit hindi ko naman basta-basta nalang hahayaang aalis ito.

Come what may!

"Tell me what to do... Ikaw ang may hawak sa renda sa magiging relasyon natin, para kung alam mong bumabalik ako sa dati kong daan, then just pull the rein. Baby, please..." 

Andito na ako. There was no turning back. I hated being vulnerable, pero hindi ko naman kayang hayaan nalang siyang umalis. Not while I'm breathing.

She's mine, and will always be mine hanggat humihinga ako.

Tensed silence stretched and only the loud racing of my heart and my harsh breathings punctuated it. 

As the seconds ticked by, my pulses creep up in my throat.

Lumalaki ang kaba sa aking dibdib, at tila hindi ako makahinga. There was no signs of progress on her calm eyes.

At natatakot ako habang lumilipas ang minuto.

Pakiramdam ko, hinihintay ko ang pagbitay sa akin. My heart hammering against my ribcage, my throat constricting with fear settling in my chest.

Walang kislap ng kahit na anong excitement tulad ng dati. 

Wala na iyong adorasyon na kapag tumititig sa akin, laging kumikislap sa saya at pagmamahal ang mga makikinang nitong mga mata.

She was right.

I've taken her for granted.

"Okay," sabi nito at halos hindi iyon lumabas sa bibig niya, but it sounded like a bell to my ears. Nabuhayan ang aking loob, at gusto kong magsisigaw sa saya.

Nangingislap ang aking mga matang tinitigan siya, hinahanap ang katotohanan sa mga mata nito.

"Pagbibigyan kita. At kapag nakakita ako ng kahit maliit lang na mali, you're out..." tumitig sa akin si Cheska at para akong tupang tumango-tango.

Hindi ko alam kung para akong maamong tupa sa harap niya. I was damn happy. Happiest man in the world, at saka hinawakan siya sa braso, overwhelmed with my emotions.

She placed her palm over my chest and pushed me. Napatitig ako sa kanya, unti-unting nawala ang malaking ngiti sa akin mga labi.

Ikiniling niya ang kanyang ulo. "Kumbaga, you're under probation," pagapapliwanag nito, at kumunot ang aking noo.

Billionaire's Obsession (Black Omega Psi Series)Where stories live. Discover now