Chapter 8: Clingy

14.1K 404 13
                                    

Cheska's POV

Panay ang salita ng aming instructor pero ang aking isipan ay naglalayag sa kabilang dako, kung saan ang aking pinakamamahal na si Ino. Kagabi lang kami magkasama pero miss na miss ko na siya.

Wala sa sariling napabuntunghininga ako. Napatingin sa akin si Lindsey. Nagtatanong ang mga mata nito na inignora ko lang.

Ibinaling ko ang aking tingin sa guro namin na walang pakialam kung may nakikinig o wala, basta panay ang dakdak nito about laws.

Siniko ako ni Lindsey saka nito inilapit ang ulo at bumulong. "Parang ang lalim yata ng iniisip mo?" aniya na ikinataas ng aking kilay.

"Makinig ka kay Ma'am Castro at ng hindi ka nagtatanong na naman pagkatapos," kunwari'y asik ko.

Nginisian lang ako ng bruha. Nang tinigilan ako ni Lindsey, lumipad na naman ang aking isip. Hindi ko naman dati ito gawain. Wala akong ugaling nagda-daydream, pero ngayon, mukhang magiging habit ko na. Para na nga akong tangang ngingiti-ngiti. 

Matapos ang klase, nakahinga ako ng maluwag. Agad kong tiniklop ang aking libro na hindi ko naman man lang pinasadahan ng tingin dahil ang isip ko, naglalayag.

Excited kong kinuha ang aking bag saka isiniksik dito ang may kakapalang libro saka ako nagpaalam sa dalawa kong kaibigan. 

I will surprise Ino sa school nila. I miss him already. 

"Saan ang punta mo? Parang nagmamadali ka yata?" si Rissy, nakataas ang kilay nito. 

Nginisian ko siya. 

"May imimit lang ako. Tawagan nalang kita okay?" nakangiting saad ko, iniignora ko ang konsensyang unti-unting namumuo sa aking dibdib. 

I can't tell her right now about our relationship. 

Magdududa siya.

Not until I'm sure that our relationship is going strong, and which I'm going to make sure it will work out. 

Tinitigan ako ni Rissy at Lindsey. 

Sinalubong ko ang mga titig nila saka ako napasimangot. Kunwari naiinis ako para hindi sila makahalata.

"Fine, go!" si Rissy.

Nakangiting iniwan ko sila, parang may mga pakpak ang aking paa na nilisan ang aming room saka dinala ako ng aking mga paa sa aking sasakyan. 

Tiningnan ko ang aking relo, mag-aalas singko na. Matatapos na ang klase din nito.

Nakarating ako sa Royal Point University. Isa din itong prestihiyosong unibersidad kung saan nanggagaling ang mga magagaling na inhinyero. 

Pumasok ang aking sasakyan sa driveway, pero tumigil ako sa harap ng gate ng lumabas ang isang security na nakapulang uniform mula sa guard house na nasa gilid lang din ng gate. Ibinaba ko ang salamin ng aking sasakyan at inantay itong makalapit.

"Hi," malambing kong bati. Pinatamis ko pa ang aking ngiti para hindi ako supaduhan nito.

Para namang nakakita ng anghel ang guwardiya. "H-hello p-po, Ma'am," nahihiyang ngumiti rin ito. Lumabas ang medyo naninilaw nitong mga ngipin. Siguro na nasa treinta na ito, matangkad at maitim, at medyo matambok ang tiyan. Tamang-tama ang laki nito para sa isang guwardiya.

Billionaire's Obsession (Black Omega Psi Series)Where stories live. Discover now