Nineteen

1K 35 20
                                    

Nandito ako ngayon sa isa sa mga kiosk malapit sa department building namin. Gumagawa ako ng draft para sa business proposal na final requirement namin sa isang major subject.

Actually, by partner 'to. Partner ko si Peige at hinihintay ko siya dito ngayon. 

Ngayon ko na lang siya makakasama kasi simula nang nangyari sa 'min ni Nat two weeks ago, hindi nila alam kung saan sila sasabay. Kaya silang dalawa na lang muna ni Aika ang laging magkasama. Kami ni Nat, nagsosolo muna. Si Janno, sa ibang grupo muna sumasali. Si Charity, hindi ko nakakausap. 5 minutes before class siya dumadating. Tapos after class naman, ang bilis niyang nawawala.

"Jade!"

Napaangat ako ng tingin at nakita kong tumatakbo papalapit sa 'kin si Gerome.

Parang nagi-slow motion na naman ang paligid ko at siya lang ang nakikita ko.

Ang tagal pala naming hindi nakapag-usap. Masyado rin kasi ako naging busy these days.

Naalala ko 'yung sinabi sa 'kin ni Natty. Hindi naman talaga kami ni Gerome. Pero bakit niya nga ba 'to ginagawa? Bakit biglang ganito na lang kami ka-close?

Pagdating niya sa harapan ko, kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang pawis niya.

"Sorry ha? Pawis eh. Medyo kanina pa ako natakbo kung saan-saan." sabi niya habang tumatawa.

Medyo wet look siya dahil sa pawis tapos tumatawa pa siya. Tae naman oh. Nagwawala na naman tuloy ang puso ko.

Umupo siya sa harapan ko at kinuha ang yellow pad na sinusulatan ko.

"Ano 'to?" tanong niya habang binabasa ang mga nakasulat sa papel.

Hindi ko maiwasang mapatulala sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Tapos ang amoy ng pabango niya, umaaabot dito sa pwesto ko. Ang lakas ng appeal.

"Ah. Business proposal pala." sabi niya sabay balik ng papel sa 'kin.

"Jade? Okay ka lang?"

Wi-nave niya pa ang kamay niya sa mga mata ko, kaya napakurap ako. Shet. Nakakahiya naman 'tong pinaggagagawa ko.

"O-okay lang. Medyo bangag lang. Sorry."

Tumawa siya at ginulo na naman ang buhok ko sa pamamagitan ng pag-pat sa ulo ko.

"Tsk. Huwag mo sabi akong ganyanin eh."

Lalo niya lang ikinatawa ang reklamo ko.

"Ang tagal nating hindi nakapag-usap. Namiss kita." nakangiting sabi niya.

Patuloy sa pagda-drums ang puso ko. Matagal ko siyang hindi nakita at nakausap pero ganun pa rin ang pakiramdam ko. Mas lalo pa nga yatang lumala.

"Tss." 'yan lang ang lumabas sa bibig ko at inirapan siya.

"Ang sungit mo naman. Anyway, bukas na ang foundation huh? A-attend ka ba?Lalo na dun sa the night?"

Maraming events ang foundation day, pero ang isa sa pinaka-inaabangan ay ang "The Night." Bawat department, may ganito. Parang JS Prom ng high school. Sayawan, mga ganun. Sweet-sweetan. Hindi ako umattend last year dahil tinamad kami at mukhang hindi rin ako aattend ngayon.

"Hindi ako aattend doon." sagot ko sabay balik sa pagsusulat.

"Bakit naman?"

"Corny."

"Corny ka diyan! Tsk. Sayang, isasayaw pa naman sana kita."

Napatigil ako sa pagsusulat at napatingin kay Gerome na seryosong nakatingin sa 'kin ngayon.

From a Distance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon