"Nag-usap na ba kayo ni Charity?" tanong ko kay Natty na kasalukuyang umiinom ng Zagu niya.
Nandito kami sa university mall ngayon at nagpapalipas ng oras. Wala kasi ang teacher namin sa first subject, kaya ang ending, tambay kami.
Si Aika, ako at si Natty lang ang magkakasama ngayon dahil hindi nakapasok si Peige. Nahihilo raw,samantalang si Janno, umuwi sa dorm niya dahil manonood daw ng AlDub.
"Hindi pa. Actually, hindi ko kasi alam kung paano ko siya i-aaproach."
"Hindi pa rin pala kayo okay?" pakikisali ni Aika.
"You don't know how to approach her o isinasaalang-alang mo lang ang pride mo? Months have passed at hindi pa rin kayo nagkaka-ayos. Sige, sabihin na nating ayos na kayo, pero hindi pa rin kayo nag-uusap."
"Eh anong gagawin ko? Hindi ko nga alam kung paano ko siya kakausapin. Malay ko ba kung galit pa rin sa 'kin si Charity."
"Kung hindi ka niya pansinin, well at least, masasabi mong gumawa ka ng paraan para magkaayos kayo totally 'di ba? Kaysa naman pareho kayong naghihintayan."
"Oo nga day. Sayang friendship, nako."
"Eh bakit ba kayo nanenermon?"
"Hindi kami nanenermon. Pinapayuhan ka lang namin.'Di ba, Aika?"
"True!"
"Oo na. Oo na. Alam ko namang may point kayo. Sige na. Mamaya, kakausapin ko siya. Para matapos na rin 'to."
"No need."
Halos sabay-sabay kaming tatlong napatingin sa nagsalita mula sa likuran ni Natty.
"Speaking."tatawa-tawang sabi ni Aika.
"Cha! Musta?"
"Okay lang." sagot niya sabay ngiti. Wala namang halong kaplastikan. Mukha talaga siyang masaya. "Ano 'yang binili mo,Jade? Mukhang masarap." dagdag pa niya.
"Sisig burger. Masarap. Bili ka na dali."
"Sige. Pero wait lang." bumaling si Charity kay Natty.
"Hoy Natalie Sonnet! Alam kong ga*ga ka, at nagag*gahan talaga ako sa ginawa mo sa 'kin noon, pero okay na tayo. 'Di ba nga, sabi ng prof. natin noong 1st year, friendship ends when examination begins. So, sa exam lang tayo friendship over, pero kung lalaki ang dahilan, no no no no way."
"Friendship over sa exam, pero kopyahan din naman." singit ko.
"Huwag ka magulo. Nasisira spiel ko." inirapan pa ako ni Charity.
Nagtawanan tuloy kaming apat.
"Sorry na, Cha." si Natty.
"Sorry din."
"Yikes! Ang drama pala. Bumili ka na nga ng sisig burger doon Cha!" kunwaring nandidiring sabi ko.
"Panira ka talaga ng moment, Jade. Nagdadramahan pa nga kami dito 'e."
"Huwag sa harapan namin. Baka masuka ko 'yung kinain ko, sayang 'yung nagastos ko."
"Che! Teka nga, bibili ako. Nagugutom na ako 'e."
Umalis na si Charity pagkasabi niya noon.
"Oh 'di ba? Mas okay sa pakiramdam kung ganyan? Nag-uusap na ulit kayo?"
"Opo, inay."
"Ina mo, Natalie."
"Wait. Wait. Wait. Si Calyx ba 'yon? Malabo kasi mata ko 'e. Wala akong suot na salamin." pag-iiba ni Natty ng usapan.
BINABASA MO ANG
From a Distance (Completed)
Teen FictionEveryone of us, even just for once, experienced to love someone from a distance.