Gerome's
Pinihit ko ang preno ng sasakyan pagdating sa tapat ng apartment na tinitirhan ni Jade. Rm202 ang kwarto niya, kaya matapos mag-log in sa front desk ay dumiretso na ako sa 2nd floor.
Nakakadalawang katok pa lang ako sa pinto, ay agad na itong bumukas.
Nakangiti siyang bumungad sa'kin.
"Basta-basta ka nagbubukas ng pinto! Paano kung masamang tao pala 'yung kumakatok?" panenermon ko sa kanya.
"O sige, sara ko ulit."
"What the-"
Hindi niya ako pinatapos magsalita. Talagang sinara niya ulit ang pintuan. Napapailing na lang ako habang nakangiti. Kakaiba talaga 'to mag-isip. Pasalamat siya, mahal ko siya.
Kumatok ulit ako. Naka-limang katok yata ako bago niya buksan ang pinto.
"Tama na ba ang limang katok?" bungad niya sa muling pagbukas ng pinto.
"Sira ka talaga! 'Wag mong i-base sa katok. Sumilip ka sa peep hole!"
"Ayoko nga sumilip d'yan! Baka may makita akong kung ano."
Hindi siya sumisilip sa peep hole, dahil kung anu-anong katatakutan ang naiisip niya. Kaya kapag pupunta ang kahit sino rito, kailangan, mag-text muna sa kanya at mag-text ulit kung nasa labas na. E hindi ko pa naman siya tinitext kanina, binuksan niya na agad ang pinto.
"Pasok ka!" paanyaya niya.
"Happy birthday, hon!" bati ko.
Binigay ko ang isang bouquet ng pink roses at hinalikan siya sa pisngi.
"Thank you!"
"I love you!" nakangiting sabi ko.
Tinawanan niya lang ako at nagpasalamat ulit. Bastos 'tong babaeng 'to. Pero, ang toto niyan, hindi pa kami. At hangga't hindi pa niya ako sinasagot, hindi raw siya magsasabi ng I love you.
Isang taon na ang nakakaraan simula noong naganap ang surpresa namin para sa kanya sa Tagaytay. Kahapon ang kaarawan niya pero ngayon kami magsi-celebrate dahil ngayon kami pinayagan mag-leave sa trabaho. Nagtatrabaho siya bilang quality control officer sa isang company dito sa Quezon City. Mas okay naman daw talaga ang July 13, dahil mas memorable daw ang araw na ito para sa kanya.
Naka-jumper shorts siya at white t-shirt sa loob. Pinartneran niya rin ng white sneakers at knapsack na nude. Maikli na ang buhok niya ngayon. Kung dati, umaabot halos sa baywang niya, ngayon, hanggang leeg na lang. Nagpakulay din siya ng chesnut brown.
Sa'kin? Wala namang nabago, maliban sa pinanindigan ko nang naka-brush up ang buhok ko. Naka-navy blue walking shorts ako ngayon, stripes long sleeves at top sider na black.
"Tara na!" excited na sabi niya matapos magpulbo.
Nauuna siyang maglakad sa'kin matapos i-lock ang kwarto niya. 'Yung lakad niya kasi, lakad-takbo. Parang bata.
"Huy! Ang bagal mo naman eh!" nakasimangot na siya at hinila ako para mapabilis kami.
Nag-log out lang kami sa front desk at nauna na naman siyang sumakay sa kotse.
"Bakit nauna ka? Hindi tuloy kita napagbuksan ng pinto!" komento ko nang makasakay na rin ako sa driver's seat.
"Tsk. Hindi naman kailangan. Para lang 'yon sa mga babaeng pa-damsel in distress. Kaya ko naman! Tyaka, excited na ako, ang bagal-bagal mo. Saan ba tayo pupunta?"
"Basta." nakangiting usal ko bago pinaandar ang makina at nagsimula nang magmaneho patungo sa Laguna. Pupunta kami sa Enchanted Kingdom.
Tinanong ko siya kahapon kung saan niya gustong pumunta ngayon. Sabi niya, bahala ako. At 'yon ang pinaka-nakakapressure na tanong sa buong buhay ko. Hindi naman daw siya nag-iinarte, wala lang daw talaga siyang maisip puntahan.
BINABASA MO ANG
From a Distance (Completed)
Teen FictionEveryone of us, even just for once, experienced to love someone from a distance.