Twenty

1.1K 32 15
                                    

After lunch, nagpunta kami ni Peige sa library para ipagpatuloy ang ginagawa namin.

Nag-expect kami na nandoon sina Aika at Natty, pero wala. Pareho naman silang hindi nagrereply, so wala talaga kaming ideya kung nandito pa ba sila sa school o umuwi na lang.

"Peige, matagal pa?" tanong ko habang patuloy pa rin siyang nagtatype ng mga naisulat namin sa papel kanina. Siya kasi ang may dalang netbook.

"Uhmmm. Ito, last part na." sagot niya nang hindi nakatingin.

"Hindi ka ba nagulat sa nalaman mo kanina?"

Tumigil sa pagtatype si Peige.

"Saan dun?"

Bumagsak na lang ang balikat ko dahil sa sagot ni Peige. Napairap pa ako. Hayy, Peige.

"Sa lahat ng sinabi ni Krisha."

"Nagulat ako na siya nagsabi kay Charity.Pero 'yung in love siya kay Trent? Hindi na."

"Bakit?"

"Remember, kaklase namin sila sa CWTS? Napansin ko na 'yon kay Krisha."

"So you mean, ganun niya na katagal gusto si Trent? First year pa lang?"

Tumangu-tango naman si Peige.

"Ang martir niya naman." dagdag ko pa.

"Love, Jade. Nagagawa ng love." sabi niya sabay balik sa pagtatype.

Napairap na naman ako sa sinabi ni Peige. Medyo hindi kasi ako sanay na sa kanya nangagaling 'yung mga ganyang linyahan.

"Bakit? Ano na bang naging epekto sa 'yo ng love?"

"Shut up, Jade. Kung gusto mong mabilis tayong matapos, huwag mo akong daldalin."

"Fine. Pero, may idea ka ba kung nasaan si Charity?"

"Wala. Why?"

"Huh? Ah, wala naman."

--

AROUND 2PM kami natapos ni Peige sa library.

Pauwi na sana kami pero dadaan muna kami sa building ng student affairs dahil kailangang ibalik ni Peige 'yung flashdrive na hiniram niya sa kaklase niya noong high school.

Nandoon na ang kaklase niya nang dumating kami. Close sila ni Peige kaya heto, medyo inaliw-aliw ko muna ang sarili ko dahil nagkukwentuhan pa sila.

Maraming estudyante sa building na 'to. Dito kasi ang studio ng iba't-ibang organizations.

"Uy, Jade!"

Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Si Steffi pala.

"Uy, Stef! Anong ginagawa mo dito?"

"Practice. Chorale."

"Ah. Oh e saan ka pupunta?"

"Kakain lang. Nagugutom ako eh. 4PM pa naman practice namin. Anong oras pa lang. Tsk. Ikaw? Bakit ka nandito?"

"Sinamahan ko lang si Peige." sabi ko sabay turo kay Peige na busy sa pakikipagchikahan sa kaibigan niya.

"Ah. O sige, Jade. Dito na ako."

Ngumiti lang din ako kay Steffi at nag-wave ng kamay.

Nakakailang hakbang pa lang siya nang bigla akong may maalala.

From a Distance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon