"Finally! Tapos na rin tayo sa semester na 'to! Grabe. Sobra-sobrang effort natin ngayon. Ito talaga ang pinakamahirap na sem para sa 'kin." tuwang-tuwang sabi ni Natty habang naglalakad kami papunta sa building namin para magpapirma sa department chairman.
Actually, last week pa tapos ang regular classes. Pero pumasok kami ngayong Monday para magpapirma ng clearance. After pumirma ng dept. chairman, officially moving on na ang peg namin sa 3rd year 1st sem life.
"Kaya nga. Pero k*ngina, ano kayang grades natin ngayon? Hindi ko talaga mahulaan eh. Wala akong kaide-ideya sa resulta ng mga pinaggagagawa natin this sem." si Peige.
"Kaya nga. Napakataas ba naman ng standard ng mga teachers natin ngayon." sagot muli ni Natty.
"Ako, tiyaka ko na iisipin 'yan. Magpapahinga muna ako. Babawi ng tulog." si Charity.
Magkakasama kaming nagpapirma ng clearance,except kay Aika at Janno. Si Aika kasi, sa ibang kaklase namin sumama. Si Janno naman, sa pre-enrollment na raw siya magpapa-clearance. Like a boss eh.
By the way, hanggang ngayon, hindi pa rin namin alam kung bakit biglang umalis si Aika sa surprise na ginawa ni Trent para kay Natty 2 weeks ago.
Sabi niya lang sa'min, may emergency daw. Pero ewan ko, parang may mas malalim na dahilan eh. Imposible namang nagselos dahil wala namang gusto si Aika kay Trent. Hindi tipo ni Aika 'yung mga ganun. Ang weird lang.
"Jade!" sabay-sabay na tawag sa 'kin nina Natty, Peige at Charity.
"Ay, oh bakit?"
"Kanina ka pa namin kinakausap, hindi ka sumasagot." si Natty.
"Oo nga! Ano bang iniisip mo?" si Peige.
"Sino pa ba? Edi si Gerome!" pang-aasar ni Charity.
"Baliw. Hindi."
"Eh sino? Si Calyx?" si Natty ulit na may kasama pang pag-flip ng hair.
"Baliw! Bakit ko iisipin 'yong galis na 'yon? Wala akong iniisip."
"Sinungaling!" kunwaring galit na saad ni Peige.
"Wala nga. Well, iniisip ko lang 'yung grades ko this sem. Sorry."
I lied. Actually, tama si Charity. Iniisip ko talaga si Gerome. Siya at ang mga sinabi niya sa 'kin dalawang linggo na ang nakakaraan.
Simula ng sabihin niya 'yon, hindi na ako nakatulog ng maayos. Well, aside sa pagkukumpleto ng mga requirements that time, isa 'yon sa mga bumabagabag sa isipan ko.
Hindi ko pa rin siya nakakausap tungkol doon. Pareho kaming busy noong finals week. As in no communication. Hindi rin kami nagkikita at nagkakasalubong sa school.
Gusto kong maliwanagan. Gusto kong magtanong kung totoo ba ang sinabi niya. Pero ayokong mag-initiate ng usapan lalo na kung tungkol doon.
Babae ako. At kahit gaano kagulo at nakakalito ang sinabi niya, hinding-hindi ako magtatanong. Ayokong magmukhang desperada. Paano kung nananaginip lang pala siya that time? I'm doomed.
Pagkatapos naming magpapirma sa dept. chairman, humiwalay sa'min si Natty dahil makikipagkita raw siya kay Trent. Kami-kami na lang nina Peige ang magkakasama.
"Uuwi na ba tayo?" tanong sa'kin ni Peige.
"9AM pa lang eh. Ikaw ba Cha?"
"Hindi ko alam eh. Gusto ko na rin munang magpahinga eh."
"Edi sige, uwi na---"
Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang may tumawag sa 'kin. Boses pa lang, alam ko na kung sino siya.
BINABASA MO ANG
From a Distance (Completed)
Teen FictionEveryone of us, even just for once, experienced to love someone from a distance.