Forty

879 27 5
                                    

"Jaden Mae, ano bang problema? C'mon. Spill it out! 5:30 p.m. natapos ang klase natin, at 6 p.m. na. 30 minutes ka nang nakaupo diyan, at 100 times ka na yatang sinusubukan tawagan ni Calyx. Hindi mo ba sasagutin?"

Frustrated na rin si Peige kakatanong sa'kin. Kanina pa tapos ang klase, pero hanggang ngayon nakaupo pa rin ako sa upuan habang nakatingin sa kawalan. Nakauwi na si Natty, Aika at Janno. Kaming tatlo na lang nina Charity at Peige ang naiwan dito sa room. Alam kong hindi na nila alam ang gagawin dahil sa dami ng kanilang tanong, wala ni isa sa mga ito ang sinagot ko.

Naalala ko na naman ang narinig ko kanina.

'Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, kapatid ko si Calyx. And I promised him that I'll do everything to make him happy.'

Kinuyom ko ang palad ko na nakapatong sa desk ng arm chair. Nanggigigil ako. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at nang pumikit ako, nagsimula nang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Hala! Huy, Jade!" si Charity na nagpapanic na.

Umiling lang ako, at inihilamos ang dalawang palad ko sa aking mukha.

"Mauna na kayo umuwi." pagtukoy ko kina Charity at Peige na nasa magkabilang gilid ko ngayon.

"Ano?Gusto mong iwan ka naming umiiyak d'yan?" naiinis na ring sabi ni Peige.

Inikot ni Charity ang arm chair na nasa harapan ko at umupo rito.

"Jade, ano bang problema? Sabihin mo kasi sa'min. Mahirap 'yang kinikimkim mo sa loob mo. Kaya nga kami nandito 'di ba?"

Nag-ring na naman ang phone ko na nakapatong din sa desk ng arm chair kasabay ng pag-flash ng pangalan ni Calyx sa screen. Magkikita dapat kami ngayon, pero wala akong lakas para siputin siya sa usapan.

"Nag-away ba kayo ni Calyx?" umupo na rin si Peige sa tabi ko.

Umiling lang ako bilang sagot.

"Eh ano nga?"

Tiningnan ko silang dalawa at nagsimula na namang tumulo luha sa mga mata ko.

"Si Calyx at Gerome." May kasamang paghikbi sa bawat salitang binibigkas ko.

"Anong meron sa kanila?" si Charity.

"Magkapatid sila."

"What?/Ano?" halos sabay na reaksyon ni Cha at Peige.

"Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung paanong nangyaring magkapatid sila, pero malinaw sa dalawang tainga ko ang sinabi ni Gerome kanina. Magkapatid sila."

"Inamin niya sa'yo?" tanong ni Peige.

"Sana nga inamin 'di ba? Pero hindi! Narining ko lang sa pag-uusap sila ni Kuya Xander."

Hindi na nagsalita sina Peige at Charity. Marahil sila ay hindi rin alam ang gagawin at masyadong nabigla sa sinabi ko.

"Bakit nila ako niloloko? Ano bang ginawa ko sa kanila?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at parang batang inagawan ng kendi na nag-iiiyak. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Charity at Peige.

----

Kinabukasan, pumasok ako nang mas maaga sa schedule ng klase ko. Tinext ko si Calyx na makipagkita sa'kin.

Pasado alas otso na kami nakauwi nina Charity kagabi. Napagalitan ako ni mama pagdating dahil hindi ako nagtext kung nasaan na ako. Alam din niyang 5:30 p.m. pa lang, tapos na ang klase namin. Pero hanggang sa bahay, lutang pa rin ako. Diri-diretso lang ako sa kwarto at natulog matapos itext si Calyx na magkikita kami ngayon.

From a Distance (Completed)Where stories live. Discover now