Nandito kami sa 7 11 ngayon para kumain ng lunch.
Minsan kasi, feeling diet kami kaya dito kami kumakain. Pero parang mas malala pa yata 'yung nangyayari. Anyway, 'wag na nating pag-usapan ang diet. Masakit kasi laging bigo.
Pinag-uusapan namin ang mga paghihirap na kinakaharap namin ngayon dahil sa nalalapit na final exams ng second year first sem. Final examination is equal to hell week, maagang penitensiya, tamang panahon sa pagpapayat, panahon ng mga tigyawat, pagpapalaki ng eyebags, pagkabutas ng bulsa, pagkadamage ng neurons sa utak at pagpupurga sa katawan ng kape.
"Mga p*tang inang minor kasi!Mga feeling major!" pagwawala ni Janno.
"Mas matindi pa nga sa major natin eh." pakikisimpatiya naman ni Natty.
"Grabe nga!Nako day! Aba, nakakatulog na kamo ako sa jeep dahil sa puyat. Napapasandal na nga ako sa katabi ko. Jusko day talaga!" si Aika. Basta may "day" si Aika 'yon.
"Ay, buti ako, nakakatiis pa naman at napipigilang matulog sa jeep. Ayoko kasi baka mapahiya ako. E di ba, nung mga first year tayo, pinagtatawanan pa natin 'yung mga natutulog sa jeep?Baka mangyari 'yon sa'kin, kaya ayoko." sagot ni Natty habang iirap-irap pa.
Natural sa kanya ang parang nang-iirap kapag nagsasalita. Minsan with flip ng hair. With action pa 'yan kapag nagkwento. Todo hand gestures. Nagdedeclame yata.
With just one snap, ang usapan namin na kanina lang ay about finals, napunta sa mga moments na nakakatulog sa jeep.
"Tanungin niyo si Peige kung ilang beses na 'yang nakakatulog sa jeep." singit ko.
Nagtawanan silang lahat. Antukin si Peige. Ewan ko. Mapasandal, tulog. Pagod o hindi, matutulog sa jeep. Kaya minsan, naiinis siya sa'min ni Natty kasi kapag kasabay niya kaming umuwi, hindi kami nauubusan ng kwento at nagiging "mission failed" siya sa pagtulog sa byahe.
Kahit 15 minutes na lang ang time bago dumating ang teacher namin, nagagawa niya pa ring matulog. Kahit anong posisyon. Nakaupo lang at nakapikit ang mata, nakatungo, nakaubob ang ulo sa desk. Hindi na nga ako magtataka kung makakatulog siyang nakatuwad eh.
Madalas, kasabay ko siyang umuwi. Actually, palagi pala. Pareho kasi kami ng binababaan. May mga moments na kwentuhan lang kami sa jeep tapos nagpahinga lang ako ng kaunti at napatingin sa labas, pagbalik ng paningin ko sa kanya, tulog na.
Gusto ko pa naman sanang dumaldal kasi feeling ko, natutuyuan ako ng laway kapag hindi ako nagsasalita.
Tatawa-tawa lang din si Peige habang nakikinig ng music sa phone niya.
"Hindi ka ba natatakot lumagpas ha Peige?" tanong ni Janno.
"Hindi. Nararamdaman ko naman kapag malapit na eh."
"Wow." sabay-sabay naming sabi.
"Instinct." dagdag ko pa.
"Iba ka talaga Peige." pang-aasar na naman ni Janno.
Maya-maya, habang nag-aasaran kami, biglang dumating si Charity kasama si Steffi. Classmate din namin si Steffi. Madalas siyang kasama ni Charity dahil pareho silang members ng chorale.
"Cha! Stef!" tawag ko sa kanila.
Agad din naman silang lumapit.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Peige.
"Kakain sana." sagot ni Charity.
Tingnan mo 'tong mga 'to. Tinanong ni Peige si Charity kung saan pupunta pero obvious naman na dito sa 7 11 kaya nga sila nandito. Ang sagot naman ni Charity, kakain sana, e ang tanong naman, saan pupunta, hindi anong gagawin. Ay, ewan ko!
BINABASA MO ANG
From a Distance (Completed)
Teen FictionEveryone of us, even just for once, experienced to love someone from a distance.