CHAPTER 21

559 31 3
                                    

Hindi ko mapigilan na bumuntong hininga habang pinagmamasdan ang painting na ginawa ko. I spent almost four hours just to finish this artwork but, it seems my perfectionist self is kicking in. At habang nakatitig dito? Wala ako maramdaman na satisfaction at hindi 'to ganon ka-impressive sa paningin ko.

Parang may kulang...

Muli na naman akong bumuntong hininga at inilapag ang pallete sa ibabaw ng round teak table. Ang fan brush naman ay inilapag ko sa scratch paper, kahilera ang iba pang brush.

Dahil na rin sa ilang hours na itinagal ko sa pagpipinta? Nakakaramdam na ako ng pagod. Though hindi naman actually na straight four hours akong nakaupo at nagp-paint lang. I'm also taking a short break... lalo na kapag kailangan.

Nalipat ang atensyon ko sa phone na nasa ibabaw din ng round teak table, at katabi ng mug. Simula pa kaninang umaga ako nakikinig sa shuffled playlist ng Classical music. At dahil familiar sa akin ang current playing? I know what it is—Waltz No.2 by Dmitri Shostakovich.

Isinandal ko ang likod sa backrest ng upuan bago ipinikit ang mga mata. Para akong nag-time travel papunta sa 18th century, at pinapanood ang mga noble na sumasayaw sa ballroom. Para tuloy akong nanonood ng period movie sa imagination ko.

Nagmulat ako ng mga mata at pinagmasdan ang Salingogon na nakatanim sa backyard namin. It's a Philippine native tree na may resemblance sa cherry blossom ng Japan. Isa ito sa reason kung bakit lagi akong nakatambay sa veranda namin. Kapag dry season, lahat ng branches ng puno ay nagkukulay dainty pink. Lagi ko nga rin kinukuhaan ng picture ang Salingogon with blue sky or starry night sky background. At ang magical nito sa photograph kapag sumakto na nasa ilalim siya ng galactic core.

I was busy admiring the beauty of nature nang mapansin ang tatlong ibon na lumilipad sa tabi ng Salingogon branches. Nakakatuwa silang pagmasdan.

Uhmn...

Tumingin ako sa phone ko kung saan playing pa rin ang Waltz No. 2. Bumalik ulit ang tingin ko sa mga ibon at ang tuwa na nararamdaman ko kanina lang ay napalitan ng pagkamangha.

Wait... Is it just me?

Parang sumasayaw sila at sinasabayan ang bawat kumpas ng musika.

Bumaba ang tingin ko sa canvas at mabuti na lang talaga nasa veranda rin ang setting sa painting. Nasa tapat ng veranda namin ang Salingogon tree at dahil sa nasaksihan ko? nagkaroon ako ng idea na mag-add ng another subject sa painting. Kinuha ko ang pallete at hound brush para mag-paint ulit.

After half an hour inilapag ko na ang brush at pallete sa ibabaw ng round teak table.

Hindi ko mapigilan ang sarili na mapangiti habang pinagmamasdan ang painting. Sa upper part ng canvas; ang Cratoxylum formosum or Salingogon na may blue sky background, at sa tabi ng dainty pink branches nito ang tatlong ibon na lumilipad. Sa lower part naman ang veranda. May wooden railings, chair at table. Sa ibabaw ng table ang record player. Naka-position ang tonearm sa edge ng record kaya magkakaroon ng interpretation na playing ito.

Satisfied na sumandal ako sa backrest ng inuupuan at ipinikit ang mga mata, while Johann Pachelbel's Canon in D Major is playing.






Nasubukan mo na ba ibenta ang mga painting mo?

Ah, common questions galing sa mga taong nakakaalam about sa talent mo sa arts. Honestly, hindi ito ang unang beses na tinanong ako ng ganito ni Marie. She also asked me to try commission paintings or portraits.

Nasa isang fastfood chain kaming tatlo, na walking distance lang naman sa village kung saan ako nakatira

I don't think na kaya ko.”  Nagbaba ako ng tingin at nilaro ang hikaw sa right ear ko.

Bakit naman? Ang galing mo kaya. Di ba Joyce?

Si Joyce naman ang tinanong niya for backup opinion.

Yeah... Pero, depende pa rin naman kay Elliott kung gusto niya eh.

Bumuntong hininga si Marie na parang siya pa yung nai-stress, dahil hindi ako interesado magbenta ng painting, or mag-commission.

Kung marunong lang ako magdrawing pinagkakitaan ko na yan. Hindi mo dapat sinasayang yung talent mo.

Bigla akong natahimik sa sinabi niya.

Nakauwi na ako pero, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga narinig kanina. Pagsasayang na ba talaga ng talent kapag hindi ka nag-e-earn ng money dito?

Ano sa tingin mo, Sirius? Dapat na ba ako mag-commission ng artworks?”  Tanong ko habang karga siya.

Passion ko na talaga ang arts since I was a little. Minsan pumapasok na rin sa isipan ko ang magbenta ng artworks. Kasi maraming tao na rin ang nags-suggest non sa akin. Pero, I'm not confident enough. Pakiramdam ko kasi kailangan ko pa ng improvement. Kahit pa nakaka-receive na ako ng compliment or praises galing sa ibang tao.

Inilapag ko si Sirius sa ibabaw ng kama para magtungo sa drafting table. Nakalimutan ko palang ibalik sa shelve ang sketchpad pagkatapos ko gamitin kanina. Dadamputin ko pa lang sana ito nang mapansin ang langit.

Alas singko na nga pala ng hapon kaya nagsisimula na magbago ng kulay ang kalangitan. Umupo muna ako sa desk chair para i-set ang phone ko at i-photograph ang mga ulap na may shade of peach color.

Ah, it's so pretty.

Hindi ko alam kung may vemödalen lang talaga ako but I like photographing sunsets.

Ibinaba ko ng kaunti ang phone at hindi sinasadyang may mahagip. Inalis ko ang tingin sa screen at pinagmasdan ang babaeng kapitbahay na nakaupo sa terrace. Nasa second floor din siya at katapat ng room ko. These past few weeks? Napapansin ko na lagi siyang nakatambay doon at tila may malalim na iniisip.

Bumalik ang tingin ko sa screen ng phone para i-zoom in ang camera. I know, ang creepy ng ginagawa ko pero nac-curious ako. Nakikita ko ngayon ang mga mata niya at—

Uhmn...

Nag-iwas ako ng tingin at inilapag ang phone sa ibabaw ng drafting table.

Ano ba yun?

Huminga muna ako ng malalim bago isinandal ang likod sa backrest ng desk chair. Tumitig din ako sa kalangitan na nagkukulay kahel na.

Ang pangalan ng babaeng nasa terrace ay Gwen. More than a decade na kaming magkapitbahay kaya nga friends ang mga nanay namin. Maliban sa aming dalawa. Maaaring dahil sa magkaiba naming personality. Naging schoolmate din kami dati at elementary pa lang ay ipinagmamalaki na siya ng mama niya. Dahil matalino at hindi nawawala sa honor list. She's also an active club member and as expected sa mga extrovert? Marami siyang kaibigan. Lagi ko nga nakikitang abot tenga ang mga ngiti niya, at para nga rin kumikislap ang mga mata niya sa tuwing tumatawa siya.

But today?

It's different.

Umayos ako ng upo at kinuha ang pencil na nasa pen holder. Quick sketches ang ginawa ko. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko ang emosyon na nakita ko sa mga mata niya.

They say... You can spot a broken soul by just looking at someone's eyes.

Bumalik ang tingin ko sa direksyon ng kabilang bahay. Medyo madilim na ang paligid pero, nandoon pa rin siya. Nakatitig ako sa mga mata niya kahit pa hindi ko ito malinaw na nakikita.

I wonder, what happened?

And when did she lost the sparks on her eyes?

____________

Ah. Edit ko na lang next time. (⁠๑⁠'⁠•⁠.̫⁠ ⁠•⁠ ⁠'⁠๑⁠)

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon