Chapter 11

2.6K 172 7
                                    

"Hera?" Mahinang hinila ko ang gray shirt niya para humarap na siya sa akin. Pero, ayaw niya pa rin akong pansinin.

Nakahawak lang ako sa damit niya habang nakatalikod at naka-indian sit siya sa sofa. Nakahiga naman si Sirius sa hita niya. Natutulog habang sinusuklay ng mga daliri ni Hera ang balahibo niya.

"Hera..." Hinila ko ng dalawang beses ang damit niya. "Suklayin mo rin buhok ko katulad ng ginagawa mo kay Sirius."

"Bakit? Pusa ka ba?"

Napanguso ako kahit na hindi naman niya nakikita dahil nakatalikod siya sa akin. Ang sungit niya ngayon.

Nagsimula lang 'to nung mabasa niya ang mga usapan namin ni Jean. Hiniram niya kasi ang phone ko para tingnan ang mga photos sa gallery. Saktong nag-text yung isa at siya ang nakabasa. Humihingi na naman kasi ng chance si Jean.

She said... she loves me but never courted me and she is asking for chance. Naguguluhan ako sa kanya. Sabi niya kasi sa akin, hindi pa raw siya nagsisimula na ligawan ako. Gusto raw muna niyang humingi ng chance bago manligaw. Pero last month sinabi niyang niligawan niya raw ako. Ang gulo niya.

"Do you like her too?"

"Ha?" Nagulat ako sa biglaan na pagsasalita niya.

"Nevermind."

"Hin—"

"Wala rin naman akong pakialam kung may ibang tao na magkagusto sayo." Patuloy lang siya sa pagsasalita. Hindi ako makasingit. "Ayos lang din kung magkagusto ka rin sa iba." Nakakatakot na yung tono ng boses niya. Parang gusto ko na tuloy magtago sa loob ng closet. "We're not in a relationship for Pete's sake."

Uhmn...

"Nagseselos ka po?"

Mabilis siyang humarap sa akin at nakataas pa ang isang kilay! "I am not." Madiin na sabi niya at tinalikuran ulit ako.

Pigil ang ngiting nakatingin ako sa likod niya. Nagseselos si Hera. Ang cute niya magselos!

Umisod ako palapit pa sa kanya at binigyan siya ng back hug. Isinandal ko ang ulo ko sa likuran niya at kusang pumikit ang mga mata ko. Gusto ko ang ginagawa ko ngayon. Gusto ko siyang bigyan ng hugs araw-araw, malungkot man siya o hindi.

I admire Hera for being independent woman and that makes her more attractive. Mas lalo rin tumataas ang respeto ko sa kanya.

Siya rin yung tipo ng tao na hindi nagpapakita ng vulnerable side niya. She built walls around her for years at hindi niya hahayaan na masira lang yun ng iba. Gusto ko rin na laging nasa tabi niya dahil gusto kong maramdaman niya na hindi lahat ng tao ay iiwanan siya.

"Hera?" Hindi siya sumagot pero alam kong hinihintay niya ang gusto kong sabihin. "I like you..." Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya at nilanghap ang natural scent niya. "At wala akong nagugustuhan na iba kundi ikaw lang."

Kilala ko ang sarili ko. Kapag may gusto akong tao, siya lang at wala nang iba. Hindi rin madaling makuha ang atensyon at interest ko. Hindi man magandang sabihin o pakinggan? Bilang lang sa mga daliri ng isang kamay ko ang mga taong nagustuhan ko.

Wala akong narinig na salita mula sa kanya pero sapat na yon para maramdaman kong ayos lang na yakapin ko siya. Hindi siya nagrereklamo o pumapalag eh.





Alas dos ng hapon nang maisipan kong lumabas ng bahay. Nagpaalam ako kay Hera na may pupuntahan lang pero pag-arko lang ng kilay ang natanggap ko.

Minsan talaga nagsusungit siya pero sa totoo lang? Ang cute ni Hera. Super! Kasi mas madalas nga lang na laging strict siya. Ganon siguro kapag future teacher?

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon