Chapter 16

2.6K 119 16
                                    


Kasalukuyang nasa harapan ako ng drafting table at may iginuguhit sa sketch pad. Bigla akong nahinto sa pagsha-shade sa hawak na water colored pencil, nang makarinig ng ingay mula sa labas ng kuwarto ko.

Sa pagkakatanda ko ay ako lang ang tao rito sa loob ng bahay at kasama si Sirius, na nakahiga sa ibabaw ng kama.

Mula sa pagkakayuko ay sumandal ako sa backrest ng inuupuan ko. Tumingin din ako sa labas ng bintana na nasa harapan ko at pinagmasdan ang araw na hindi na gaano nakakasilaw ang liwanag.

Is she got home with a friend?

Masyadong malakas ang boses ng kasama niya. Dahil kahit dito sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kuwarto ko ay nadidinig ko ang ingay na nagmumula sa ibaba. Napabuntong hininga ako at hinilot ang sentido na biglang kumirot. Masakit sa ulo. Hindi talaga ako sanay kapag maingay.

Kinuha ko ang tasa na nasa ibabaw ng nightstand na katabi lang ng drafting table. Nang maidikit ko na sa labi ko ang tasa at sinubukang humigop ay doon ko lang napansin na wala na pala itong laman.

Napabuntong hininga ako. Gusto kong uminom ng kape. Wala na akong ibang mapagpipilian pa kundi ang lumabas ng kuwarto at magtimpla ng kape sa ibaba. Kailangan kong uminom ng kape dahil nakakaramdam ako ng stress.

Lumabas ako ng kuwarto at sumunod naman sa akin si Sirius na nagising nung buksan ko ang pinto. Nauuna pa nga itong naglalakad at sa pababa ng hagdan. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang mahinto ako. Nagdadalawang isip ako kung bababa ako o hindi na lang. Sinundan ko ng tingin si Sirius na tumakbo papunta kay Hera.

"Oh my God! Ang cute naman ng pusa na yan. Alaga mo?"

"Nope. Alaga 'to ni Elliott." Yumuko siya para kunin at buhatin si Sirius.

"Elliott? Girlfriend mo?"

"Nope."

Bumuntong hininga ako. Mas magandang bumalik na lang ako sa kuwarto.

"Elliott."

Bumaba ang tingin ko, sa direksyon ng living room at dalawang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin. Buhat-buhat na ni Hera si Sirius habang hinahaplos ang balahibo nito.

"Come here."

Matagal bago ako kumilos para bumaba ng hagdan. Nang makarating sa harapan niya ay nagtanong siya kung kaya ba ako bumaba ay para magtimpla ng kape. Tumango naman ako bilang sagot.

"Si Angel nga pala. She's my new friend." Nalipat naman ang tingin ko sa katabi niyang babae na may malawak na ngiti.

"Hello! Ikaw pala si Elliott?" Tumango ako bilang tugon. "Pipe ka ba?"

I heard Hera's soft laugh. "Hey, she's not."

"Pasensya naman, Hera. Hindi kasi siya nagsasalita."

Seriously? Just because someone is not speaking, you will call her "pipe"?

Tiningnan ko si Hera at hindi pinansin ang kasama niya. "Magtitimpla muna ako ng kape." Tumango lang ito sa akin at kapwa sila naglakad ng kasama niya pabalik sa sofa para umupo.

Habang nagtitimpla ng kape ay hindi ko maiwasan na magkaroon ng katanungan sa isipan. Totoo ba talagang friend niya lang ang babaeng kasama niya? Sa tingin ko ay hindi iyon ang Samantha na gustong manligaw sa kanya nung nakaraan. Kakasabi niya lang din kanina na new friend niya raw.

Masyado atang friendly si Hera? Baka sa sobrang pagka-friendly niya ay iyon din ang maging dahilan para mapahamak siya o ang ibang tao na nasa paligid niya. Hindi ko hinuhusgahan ang mga tao pero ang gusto ko lang ay dapat pa rin siyang mag-ingat sa mga taong nakikilala niya. Iba-iba ang pagkatao ng mga nakikilala natin. Hindi mo rin alam kung ano talaga ang tumatakbo sa isipan nila o kung ano ang totoong intention nila sayo.

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon