Prologue

7.3K 244 25
                                    

"Dito muna maninirahan ng tatlong buwan si Hera." Narinig kong sinabi ni Mama bago kami iwanan dalawa sa living room ng babaeng kasama niyang umuwi.

Nakaupong nakatitig lang ako sa babaeng nasa harapan ko at pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Kung paano siya umupo sa sofa at ilibot ang paningin sa paligid. Hindi na nga rin maalis ang pagkatitig ko sa mga mata niya at ang weird ng nakikita ko. Dahil parang slow motion sa paningin ko ang bawat kilos niya.

Natigil ng isang segundo ang paghinga ko at kasunod din non ang kakaibang kaba na nabuo sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin dahil sa akin na siya nakatingin ngayon. Gusto kong iiwas ang tingin sa kanya pero hindi ko magawa. Parang nahihipnotismo ako ng mga mata niya.

Ngumiti siya at hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong nataranta sa ngiting 'yon.

"Ayos ka lang ba?"

Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Nag-iisip din ako ng isasagot sa kanya pero parang tali na nagbuhol ang mga salita sa isipan ko. Kahit kalmado ang boses niya ay hindi pa rin ito nakatulong. Ibinuka ko ang bibig ko pero agad ko rin na itinikom dahil parang may nagbara sa lalamunan ko. Ayaw lumabas ng boses ko.

"Hera, pagpasensyahan mo na yang anak ko. Hindi talaga yan sanay makipag-usap sa ibang tao." Naglalakad palapit sa amin si mama habang dala ang tray na may lamang meryenda. Inilapag niya ito sa maliit na lamesang nasa gitna ng dalawang mahabang sofa. "Lagi kasing nagkukulong sa bahay kaya ang resulta hindi marunong makihalubilo sa tao."

Narinig kong tumawa siya sa sinabi ni mama. "Okay lang po Tita. Naninibago lang siguro siya." Tumingin siya sa akin na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring nanunuod ng palabas sa TV. Wala sa pinapanuod ang atensyon ko kundi nasa dalawang kasama ko. Nakikinig ako sa usapan at tawanan nila.

Bakit parang ang sarap pakinggan ng tawa niya? Hindi ko naa-appreciate ang tawa ng ibang tao dahil nakakairita. Lalo na't ayoko ng maingay but her laugh is different. Ano bang nangyayari sa akin?

Kakaiba rin ang aura na nagmumula sa kanya at iba ang hatid non sa akin. Isa sa nagiging dahilan para maging interesado ako sa isang tao ay ang kakaibang aura o presence na nagmumula sa kanila.

I could feel the storm is coming...

"Ellie."

Mabilis na lumingon ako kay mama nang tawagin niya ako na may kasama pang kalabit sa kanang balikat. Nagtataka rin ako kung bakit pareho silang tumatawa.

"Sabi ko sayo. May sariling mundo ang anak ko." Sabi niya at parang may pinag-uusapan sila kanina na hindi ko narinig.

Napahawak ako sa suot na hikaw at nilaro-laro ito. May ipinagtaka rin ako dahil nakapatay na ang TV na kanina lang ay nakabukas.

"Ano? Ngayon mo lang napansin na nakapatay na ang TV? Ipinakita ko lang kay Hera na lagi kang may sariling mundo."

Tumingin ako saglit kay Hera bago nalipat kay mama na umiiling-iling.

"Ellie." Narinig kong tawag na naman ni Mama sa pangalan ko. "Nasabi ko na kanina na dito muna sa bahay si Hera."

Tumingin ulit ako sa babaeng nakaupo sa katapat na sofa, kaharap siya ni mama. Nakatingin din siya sa akin kaya naman mabilis kong ibinalik ang tingin kay mama. Kanina pa siya nakangiti. Hindi ba siya nangangawit kakangiti?

At bakit sa tuwing titingin ako sa kanya ay nakatingin din siya sa akin? Pakiramdam ko tuloy, nahuli kong nakatingin sa akin ang crush ko.

"Parehong nasa ibang bansa ang mga magulang niya at wala siyang kasama sa bahay nila. Kaya naisip kong dito muna siya sa bahay kahit tatlong buwan lang para naman may kasama siya at pati na rin ikaw. Bukas ng umaga ang alis ko kaya magpakabait ka sa Ate Hera mo."

Tumango lang ako at narinig kong nagsalita na naman si mama na sa haba raw ng sinabi niya, tango lang ang isinagot ko. Sanay naman siya sa ganong sagot ko, tango at iling.

Silang dalawa lang ang nag-uusap at minsan may itinatanong sa akin si Mama na nagpapatango-iling lang sa akin. Ganito talaga ako, hindi ako mahilig magsalita. Pakiramdam ko kasi nakakapagod gawin iyon. Kapag interesado ako sa topic? Nagiging madaldal ako. Parang nawawala ang pagiging tahimik at mahiyain ko.

Hindi ko na maintindihan ang usapan nila kaya naman tumayo na ako at bumalik sa kuwarto. Nakita kong nasa ibabaw ng kama si Sirius at natutulog. Kinuha ko ang earphone na nasa tabi niya bago humiga at para makinig ng mga kanta sa playlist ng phone ko. Nagising siya at lumipat sa tummy ko para humiga. Hinaplos ko ang balahibo niya habang naghahanap ng ipla-play na kanta.

How do we rewrite the stars?
Say you were made to be mine?
Nothing can keep us apart
Cause you are the one I was meant to find


♪ It's up to you
And it's up to me
No one can say what we get to be ♪


Napapulat ako ng mga mata habang pinapakinggan ang kanta.

Why don't we rewrite the stars?
Changing the world to be ours


Hindi ko alam kung bakit pero, kusang sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

"...changing the world to be ours."

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon