Chapter 5

3K 185 21
                                    

2:29AM

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Matagal na akong may problema sa pagtulog pero may dahilan kung bakit gising pa rin ako ngayon. Dahil ito sa confession ni Hera kanina na hindi ko talaga inasahan.

*
*
*
"Elliott..."

Nag-angat ako ng tingin habang nasa loob pa ng bibig ko ang kutsara. Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko. Nakikita at nararamdaman kong seryoso rin ang gusto niyang sabihin.

"Nahihiya man akong sabihin ito pero... Gusto talaga kitang makilala matagal na." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Matagal na?

Anong ibig niyang sabihin doon?

"I saw you months ago sa isang birthday party ng kaibigan ni Mama at tita Erza. Hindi kita nakitang nakipag-usap kahit kanino maliban sa Mama mo. Ni-hindi mo nga rin ako napansin kahit nasa katabing table mo lang ako. Laging nasa ibang direksyon ang tingin mo, sa direksyon na wala kang makikitang tao." Nag-iwas siya ng tingin sa akin at hindi ko alam kung bakit.

Inilapag ko sa ibabaw ng lamesa ang kutsara at naghintay sa mga sasabihin niya. Kung meron pa. Seryoso pa rin ang facial expression niya pero hindi siya makatingin sa akin.

"Simula non ay na-curious na ako sayo. Kaya gumawa ako ng paraan para makilala ka. Pero sa mga social media accounts mo, hindi ka laging active." Bumuntong hininga siya at nakangiting sinalubong ang mga mata ko. "Natuwa ako nung tanungin ako ni Tita Erza kung okay lang ba sa akin na tumira muna sa bahay niyo kahit tatlong buwan lang."

Napalunok ako habang unti-unting binabalot ng kaba ang dibdib ko. Ano bang nangyayari sa akin? Lagi na lang ako nakakaramdam ng ganito sa kanya at nabo-bother talaga ako.

Muli siyang nagpatuloy sa pagkukuwento na may ngiti pa rin sa labi. "Pumayag ako. Dahil ito na rin ang pagkakataon ko para makilala, makasama at makausap ka."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ako nakakaramdam ng ganito kahit kanino maliban sa kanya.

"Ano ba ang gusto mong iparating? Bakit gusto mo akong makilala? At bakit sinasabi mo ang mga bagay na 'to?" Lakas loob kong sinalubong ang mga mata niya habang binabalot ng kaba ang dibdib ko. "Hera..."

Natatakot ako kapag may taong gusto akong makilala. Nacu-curious daw sila sa pagkatao na mayroon ako. Hindi ko alam kung ano ba ang nakita nila sa akin at nasabi nilang mysterious ako.

"Because I like you."

Nabalik ang isipan ko sa kasalukuyan nang magsalita si Hera. "H-Ha?" Parang ayaw pang lumabas nito sa bibig ko.

Ang kabang bumabalot sa loob ng dibdib ko ay napalitan ng mabilis na tibok ng puso ko. Ang lakas dahil naririnig ko ito at sana hindi naririnig ng babaeng kasama ko.

"Alam kong biglaan ito para sayo pero gusto kong malaman mo kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sayo."

*
*

Normal lang naman magkagusto ang isang tao...

Pumikit ako at itinakip ang kanang braso sa mga mata. Kanina pa ako nakatitig sa madilim na kisame at nakakaramdam na rin ako ng antok.

Naramdaman kong may malambot na bagay ang nagsusumiksik sa leeg ko.

"Hindi ka rin ba makatulog?"

Hinaplos ko ang likod niya at hinihintay kung sasagot ba siya. Paghinga niya lang ang naririnig ko.

"Goodnight, Sirius."


El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon