Paglaya

34 1 0
                                    


Miaka POV

After I got home from work, I called Antonio.

"Pwede ka bang umuwi mamayang gabi?" mahina kong tanong sa kanya habang nakaupo ako sa sofa at hawak ko ang envelop na naglalaman ng Annulment paper na para sa aming dalawa

I heard him sigh and taste before he answered me.

"Bakit naman ako uuwi eh busy ako, magde-date kami ni Julie!" iritadong sagot niya sa akin

Kumirot ang dibdib ko nang marinig ko na naman ang pangalan ng kabit niya, pero pinilit kong baliwalain.

"May ibibigay kasi akong...regalo sayo eh" pagsisinungaling ko

Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanyang annulment papers ang ibibigay ko, pero naisip ko Birthday niya bukas kaya mas tama sigurong sabihin na isa 'yong regalo kasi pagpinirmahan niya ito... magiging masaya siya at lalaya na siya.

"Regalo?" tanong niya

"O-Oo" tuggon ko sa kanya at parang merong bumara sa lalamunan ko

Naalala ko pa kung paano niya ipinakita sa akin noon na mahal na mahal niya ako at kung paano ko na laman na ang lahat ng yon ay hindi totoo.

Tumulo ang luha ko pero agad kong pinahid at huminga ako ng malalim, pilit kong maging masaya.

"Oo regalo ko para sayo kasi bukas birthday mo na, sigurado ako magiging masaya ka kapag nakita mo ito-"

"Para sabihin ko sayo, hindi ako mapapasya ng kahit na anong regalong ibibigay mo kasi hindi kita mahal" panunuya niya sa akin at tumawa "Pero siguro kung makuha ko na ang kompanya niyo at makalaya na ako sa walang kwentang asawa na nakutuld mo, abah! yun na ang pinaka magandang regalo para sa akin!" dagdag niya pa at tumawa ng malakas

Nasaktan ako sa mga sinabi niya pero pinlit kong huwag magpa apekto.

"Alam ko, kaya nga yun ang regalo ko para sayo" nasasaktan na sabi ko sa kanya

"Anong ibig mong sabihn?" tanong niya sa akin, I don't know kung imagination ko lang o hindi, pero nahimigan ko ang kaba sa tono ng tanong niya. "Tell me, anong ibig mong sabihin?!" sigaw niya sa akin

Pero alam ko naman na alam niya ang ibig kong sabihin...

"Yung regalo mo iiwan ko na lang sa loob ng kuwarto natin" Sabi ko sa kanya at mapait akong ngumiti hawak pa din ang envelop na naglalaman ng annulment papers namin

Hindi ko siya narinig na nagsalita kaya naman kahit umiiyak ako ay nagpatuloy pa din ako sa pagsasalita, gusto ko kasing malaman niya na kahit nag desisyon akong Iwanan na siya ay hindi ko pinagsisisihan na minsan ko siyang minahal.

"Mahal, pinirmahan ko na kaya pirmahan mo na lang...para lumaya ka na sa akin, Huwag kang magaalala, nakalagay duon na ang lahat ng ari-arian ni Dad na ipapamana niya sa akin ay sayo mapupunta, kahit ako ang tunay na anak... wala akong kukunin" sabi ko habang umiiyak, yon ang aking desisyon na dininig naman ng korte

Malinaw sa annulment papers na ang lahat ng mapupunta sa akin bilang anak ng Daddy ay kay Antonio mapupunta kahit pa maghiwalay kami dahil yon ang desisyon ko.

"PERO BAKIT?!" sigaw niya sa akin at parang galit, pero diba dapat masaya siya? "Bakit ganun ang desisyon mo?! lahat yon ikaw ang dapat na mag mana dahil ikaw ang anak! kaya bakit basta mo na lang ibibigay sa akin?! Bakit hindi mo na lang ipaglaban!"

Napailing ako sa sinabi niya, hindi ko maintindihan kung bakit siya galit gayong yon naman ang hiling niya noon pa at tinupad ko lang.

"Nakalimutan mo na ba? palagi mongsinasabi noon sa akin na mapapasaya lang kita kapag nakuha mo na ang lahat ng gusto mong makuha, ang pera ni Dad, ang kumpanya at iba pa, tinutupad ko lang dahil mahal kita kahit masakit kang mahalin" sabi ko at pilit akong tumawa kahit nasasaktan "Kapag ipinaglaban ko, hindi ka magiging masaya at ayaw ko yun mangyari"

"Miaka-" tawag niya sa akin pero pinutol ko na ang tawag

at NGAYON ay nasa loob na ako ng kurwarto namin, inilapag ko mula sa kama ang envelop at kinuha ko naman ang mga bagahe ko.

Pinagmasdan ko ang buong kurwato, nakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang pero wala akong magagawa, oras na para umalis ako sa bahay na ito at iwanan si Antonio, ayaw kong maabutan niya ako kasi baka pagnakita ko siya ay magbago ang desisyon ko.

Nang makalabas ako sa kuwarto ay nasa lubong ko yung katulong namin.

"Saan po kayo pupunta ma'am? aalis po kayo?" tanong niya

"Opo, hindi na ako babalik kaya sana po pagumuwi si Antonio lagi niyo po siyang ipagluto kasi hindi na din po ako papasok sa company ni Dad bilang nutritionist" yeah, nagpasa ako kay Dad ng resignation letter at agad naman niya yon tinanggap "Kaya sigurado hindi siya kakain duon, tandaan mo manang ayaw niya ng mamantikang pagkain, gusto niya ang gulay at masarap kasi magwawala yon pag pangit ang lasa" dagdag ko pa

"Alam ko po yan ma'am kaya nga po gustong-gusto ni Sr ang luto niyo eh" pagpuri niya sa akin

Umuling na lang ako kasi never na tinikman noon ni Antonio ang mga niluluto ko, at noong nutritionist na ako sa kompanya ni Dad ay never naman siyang nasarapan.

Pagkatapos ay mabilis din naman akong nakalabas sa Mansion.

Saglit kong pinagmasdan ang Mansion na naging saksi ng lahat ng masasakit na pinagdaanan ko mula ng maging asawa ko si Antonio, pagkatapos ay ngumiti ako.

"Paalam sa lahat ng masasakit na alaala, ngayon lalaya na ako at gagawa ako ng masayang alaala." sabi ko

Forbidden RomanceWhere stories live. Discover now