regret

27 1 0
                                    

Hi guys, sorry kung ngayon lang nag update. Medyo tinamad si Author eh, pero pipilitin kong matapos ito.

So here is the new chapter, I hope you'll enjoy.

Chapter 28

Anthonio Point Of View

3 Months later.

Buong magdamag nandito lang ako sa kuwarto namin asawa ko, nagpapaka lango sa alak.

Tatlong buwan na mula ng makita ko yung iniwang annulment papers sa akin ni Mia, may pirma niya yon at nakalagay roon na lahat ng gusto niya para sa paghihiwalay naming magasawa.

Gusto niya na kung ano man ang manahin niyang ari-arian ay sa akin dapat mapunta, pera, kompanya ng Daddy niya at iba pa. Lahat-lahat yon, wala siyang tinira sa sarili niya.

Gusto kong maging masaya kasi sa wakas nagbunga ang paghihiganti ko sa ama niya, pero...

Hindi ko magawa, hindi ako masaya. Nasasaktan dahil iniwanan niya ako magisa kahit na alam kong wala naman akong karapatan.

Pero sobrang sakit ng pagiwan niya sa'kin.

Noong umalis siya at hindi na bumalik, sa tuwing-titingin ako sa bawat sulok ng bahay, siya ang naalala ko.

'Hon, nagluto ako baka gusto mo munang kumain' masayang bati niya sa akin noong unang araw namin bilang magasawa

Pero hindi ko manlang siya pinahalagahan noon.

Nagpanggap akong nambabae, sumama ako sa ibang babae para lang saktan siya.

Tatlong taon ko siyang hindi inuwian para maramdaman niyang hindi ko siya tinuturing na asawa at higit sa lahat sinasaktan ko siya ng pisikal.

At ngayon. kahit anong ko alam ko sa sarili ko na hindi ako makakabawi pa sa lahat ng kasalanan ko sa asawa ko.

Napaluha ako habang pinagmamasdan ang wedding ring na iniwan rin niya kasama ang annulment papers.

"Love I'm sorry. Love please bumalik ka na sa'kin." humahagulhol na sabi ko habang hinahalik-halikan ang wedding ring na niya

~~~

Mia POV

'Kring!!! Kring!!!'

Napabalikwas ako sa pagbangon sa kwartong tinulugan ko dahil bigla na lang akong nagising sa tunog ng alarm clock.

Bumangon ako at kaagad pinatay ang tunog nito.

"7 am na pala."

Tumayo ako sa kama upang magluto na sana ng umagahan pero pagpunta ko ng kusina, bigla na lang akong nakaamoy ng malangsang amoy.

Napatakbo ako sa comfort room at nagsuka.

"Ano ba yun? Nakakasuka naman ang amoy!" naiiritang sabi ko

"Mia, are you okay?" I heard a familiar voice at alam ko kung sino yun.

Siya yung nasa tabi ko noong mga oras na kailangan ko ng mamakakaitindi sa akin, ng makakasama kasi wala naman akong pamilyang daramay sa akin. Meron namang akong kaibigan pero hindi naman kasi ako maintindihan ni aby kasi hindi pa siya nagmamahal.

Si Dad, nung sinabi ko na nakipag hiwalay na 'ko kay Antonio. Wala manlang siyang sinabi, ni-wala manlang siyang pakialam sa'kin.

Bakit pa nga ba ako nag expect na magtatanong siya kung ano ang dahilan, bakit pa ba ako nag expect na may care siya sa kin as his own daughter.

I forgot that he disowned me.

I'm so stupid.

But thank to the man who help me and always there for me, I feel like I'm a strong woman because of him.

"Miaka, tell me are you okay?" Miyuki ask me

Lumabas ako ng comfort room at humarap sa kanya, kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"Narinig parang nasusuka ka, masama ba ang pakiramdam mo?" alalang alala na tanong niya sakin

Umiling ako sa kanya.

"Okay lang ako, may naamoy lang kasi ako na malangsa! Nasuka ako sa amoy!"

"Malangsa?" kumunot ang noo niya "Saan?'

"Sa kusina, parang may nagluluto tapos ang langsa ng amoy."

Nagdilim ang mukha niya sa sinabi ko, galit ba siya? Bakit?

"Grabe ka naman. Nag off ako sa trabaho para ipatikim sayo yung adobo na niluto ko tapos- hayst! Bahala ka nga diyan!" natulala ako sa kanya kasi sumimangot siya na parang bata pagkatapos ay nagtampong umalis sa harap ko.

Namamangha ako na sinundan siya ng tingin.

"Ang cute niya." namamangha na sabi ko

Ay teka? Ano bang nangyayari sa'kin at bakit ako nagkakaganito?

Pero cute talaga siya eh tapos yung braso niya nakakagigil parang ang sarap kagatin.

Sumunod ako sa kanya sa kusina.

Nakita ko siya galit na galit na nakatitig sa adobo, para tuloy ang laki ng kasalanan ng adobo sa kanya.

"Sir Miyuki galit ka ba?-" napaigtad ako sa gulat ng bigla niyang itinarak sa chop board yung kutsilyo.

"Hindi! Ipapatapon ko na lang 'toh kay manang kasi nga diba sabi malansa kahit hindi naman! Wala namang kasing adobo na malansa eh!"

Hindi raw siya galit pero naninigaw?

Grabe ang cute cute niya talaga, sarap niyang iuwi sa bahay tapos gawin kong tandayan- ay mali sa mansion niya nga pala ako nakikitira.

Bumaba ang tingin ko sa braso niya. Napakagat labi ako, gusto ko ng kagatin ang braso niya hehehe.

"Miyuki can I make a request?"

"Huh?"

"Pwede ko bang-" nahiya akong tumingin sa kanya. "Pwedeng pakagat sa braso mo?"


Forbidden RomanceWhere stories live. Discover now