I WILL PROTECT YOU

34 2 1
                                    

MIAKA POV




Nangatog ang katawan ko sa sobrang takot, gusto kong tumakbo at lumayo kasi halos bumabalik lahat sa isip ko yung pananakit ni Antonio sa akin, yung mga arawa na pisikal niya akong sinasaktan.

Pero dahil sa panginginig ko at takot hindi ako makakilos.



"Layuan mo ang anak ko malandi kang babae!" wika niya sabay tadyak sa tyan


Aargghh! Napaluha ako sa sobrang sakit ng ginawa niya, halos namimilipit ako sa sakit. Ano bang ginawa ko bakit siya galit sa akin? Bakit niya sinasabing ginawa kong kabit si Miyuki?

Sinubukan kong tumayo para subukan na ipagtanggol ang sarili ko pero hindi pa ako nakakatayo ay hinila niya ang buhok, mas lalo akong napaluha.


Bakit ba ito nangyayari sa akin?



"Don, tama na po nasasaktan na po si Miaka." pakikiusap ni yaya pasing sa kanya pero tinabig ni si Yaya

"Tumahimik ka!" pilit kong



Tinatanggal ang kamay niya pero mahigpit niyang hinila ang buhok ko.



"T-Tama na po.."

"Deserve mo yan wala kang kwentang babae! Malandi! Hindi ka na nahiya gusto mo pang gawing kabit mo ang anak ko!"

"H-hindi ko po maintindihan ang sinasabi niyo wala po akong ginagawang masama." umiiyak na nasabi ko pero hindi niya ako pinaniwalaan

"Maang-maangan ka pa talaga?" he chuckled



Wala akong ginagawang masama, matagal na akong nakipaghiwalay kay Antonio kaya bakit ganito? Siniraan ba ako ni Antonio pero bakit? Hindi pa ba siya masaya sa lahat ng pananakit niya sa akin noon? Hindi pa ba yon sapat sa kanya para siraan niya ako sa ibang tao?



"Totoo po ang sinasabi ko, hindi ko po alam ang sinasabi niyo wala akong---Aargg!!" hinila niya ulit ang buhok ko sabay suntok sa sikmura ko paulit ulit



Sobrang sakit, hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit at halos manigas ako sa pagkakasalampak sa sahig nang maramdaman ko ang likidong dumadaloy sa hita ko.

Nanlalaki ang mga mata ko.

M-May dugo... Bakit may dugo...?!

Nang unahang dumaloy ang mga luha sa mga mata ko sa isiping, b-buntis ako?



"Tulong! Nagmamakaawa ako, yung baby ko! Iligtas niyo ang baby ko." humahaguhol sa pakiusap ko


Pero wala miisa sa kanila ang kumilos para tulungan ako, nagmaakaawa akong tumingin kay yaya pasing. Kita ko ang awa sa mga mata niya pero hindi siya kumilos para tulungan ako.

Forbidden RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon