ZAIN

40 3 0
                                    


MIAKA POV




Nagising ako sa hindi pamilyar na kuwarto kaya agad akong napabangon at nagbihis, naalala ko bigla yung nangyari kagabi. Para akong na hipnotismo sa bango ni Miyuki at tamis ng halik niya.

Nawala bigla sa isip ko na 3 months palang nung nag annul kami ng ex husband ko.

Para talagang may magic si Miyuki, ewan ko ba.

Napatingin ako sa isang tray ng pagkain, merong kanin at pritong manok dun, then may soup rin na kasama. Gosh! Bigla akong natakam.

Then may nakadikit sa tray na sticky note at napangiti naman ako ng mabasa ko ang nakasulat.




'Good morning! Alam ko, medyo pagod ka pa kaya naman hindi na kita ginising. Dinalhan kita ng food, ako nag luto niyan, papasok na muna ako sa work kaya kumain ka ng mabuti ah.'




Lagi na lang siyang ganito ka sweet sa akin, iniisip ko tuloy na baka nga talagang may gusto siya sa akin. Actually unti-unti na siyang nakakapasok sa puso ko, pero natatakot ako.



Paano kung marealize niya na may mas better sa akin?



Paano kung kapag tuluyan na akong nahulog saka niya ako bitawan? Oo nagawa kong muling ibigay ang katawan ko sa kanya kasi hindi ko napigilan na magpadala sa nararamdaman ko, pero dapat ba ibigay ko na rin ang puso ko?



Nadala na ako sa ilang taong pagmamahal ko sa maling tao, kaya natatakot na ako na baka mali nanaman yung taong papasukin ko sa puso ko.

Napabuntong hininga ako.




"Naku Iha, gising ka na pala." sabi ni yaya pasing na may dalang kape "Sabi ni Saizen, igawa raw kita ng juice at iakyat ko rito."

"Ay naku yaya pasing nakakahiya, sana po ginising niyo na lang ako at ako na ang nagtimpla kasi kaya ko naman po."

"Ay, hindi na. Mukha kasing pagod ka."

"P-Po?" nanlaki ang mga mata ko

"Eh sabi ni Saizen pagod ka- pero saan ka ba napagod? Nagluto lang-" napansin niya na nakasando lang ako




And worse hindi pala ako nakapag suot ng bra!

Nakatakip ako sa dibdib ko sa sobrang hiya! Lupa kainin mo na 'ko now!



"Ah alam ko na kung saan ka napagod, kaya naman pala. Kaya pala nag luto ng maaga si Saizen bago siya maligo kanina at ang saya niya pa, gumawa pa ng soup! Pang pabawi pala ng lakas." ngising ngisi na sabi ni yaya pasing

Forbidden RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon