Cutie

27 4 0
                                    

Mia POV

Maya-maya pa ay dumating na nga yung order namin ni Miyuki. Grabe! Takam na takam ako sa pagkain, yung feeling na parang ngayon ko lang ulit naranasan na kumain sa labas.

Alam niyo naman kasi, ako ang nagluluto ng kakainin ko at ng ibang tao mula nang naging Nutritionist ako at puro may nutrition na pagkain ang niluluto ko, kaya yung feeling na makakain ulit ako ng pagkain sa labas o pagkain sa restaurant palagi talagang napakasarap sa pakiramdam.

"Pansin ko ang lakas mo na kumain?" gulat na gulat na sabi sa'kin ni Miyuki kasi almost 5-6 mins palang yata nung ibigay ang order namin pero malapit na 'ko matapos.

"Talaga? Ang sarap kasi! Masarap kasi libre, pag may bayad hindi masarap."

"Grabe siya oh? Masarap kasi Libre ko ganun?"

"Siyempre, at dahil libre..." tinawag ko yung waiter "Pa order ako ng beef turkey with rice!"

Natawa siya sa akin, as if may sinabi akong nakakatawa? I rolled my eyes on him.

Tawang tawa siya oh?! Pasalamat siya guwapo siya ngayon sa pangingin ko at feeling ko gusto ko makita araw araw yung mukha niya, kundi baka nasapak ko siya.

Pero teka? Bakit nga ba ganito ko ngayon?

Ang weird ko yata ngayon--

Habang kumakain pa ako ng baklava ay may dumating na babaeng waiter na nag bigay sa'kin ng beef stake.

"Here's your order ma'am." naka ngiting sabi niya.

"T-" napatulala ako sa babaeng waiter. Shit! Ang cute naman niya! Parang gusto ko siya i-uwi. "Thank you." nag nining-ning ang mga mata ko habang nakatingin sa babaeng waiter

"You may go now--" napabaling ako kay Miyuki na nagsalita. Sinamaan ko siya tingin kasi pinaalis niya yung waiter. "Hmm? Bakit?"

"Bakit mo pinaalis agad, gusto ko pa siya titigan! Ang cute niya kaya."

"Cute, but she is not-"

"She is cute!"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"You know what? you're acting wierd today."

Talaga ba? sabi ko na nga ba may mali sa'kin eh, baka epekto 'toh ng naambunan ako kahapon?

o Kaya may na turo akong nuno?

Magpapaalbulayo nga ako sa susunod.~~~

Matapos namin kumain ni Miyuki ay agad siyang naglabas ng pera pambayad para iwanan na lang sa mesa namin. Katatayo lang namin sa upuan para umalis na nang biglang nagsalita siya.

"Sandali." sabi niya

"Bakit?"

"May kanin pa sa labi mo?" sagot niya. Laking gulat ko ng walang pagaatubili niyang pinunasan gamit ang hinlalaking daliri niya ang labi ko

Halos mamula ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko ng makita ko na isubo niya sa bibig niya yung daliri niya na humagod sa labi ko.

"It tase good." mapang akit na sabi niya

"Nangaakit ka ba?"

"Pwede rin..."

Baliw talaga! Pero shit ano ba yun, yung puso ko pinakakaba niya.

"Baliw! Tara na nga-" he was about to hold my hand pero sa isang iglap ay tumilapon siya.

"Miyuki!" nagaalalang sigaw ko. Lalapit sana ako kay Miyuki pero pinigilan ako ni Antonio/ Anthony "How dare you?!"

Forbidden RomanceWhere stories live. Discover now