Chapter 3

477 23 1
                                    

Chapter 3: Thaly the Nanny

Hindi nga talaga madaling mag-alaga ng bata. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung sino ang uunahin kong alagaan sa tatlong 'to. First time ko naman kasing mag-alaga ng tatlong bata at ako lang mag-isa.

Dios mio. Unang araw ko ngayon sa pag-aalaga ng mga bata. Sana makalabas pa akong buhay sa mansion na ito.

"Darvius, sandali lang!"

Napapakamot ako sa sariling ulo habang sinusundan si Darvius na tumatakbo ng naka-brief lang. Tinulungan ko sila sa pagligo pero hindi naging madali 'yon. Ang pagligo nila ay naging laro na.

Si Dalvis ay umiiyak na sa kuwarto nila dahil tinago raw ni Darvius ang paborito niyang spider man na brief. Ipinagpapasalamat ko na lang na wala namang kalokohan na ginagawa si Dariux.

Ang pinakamakulit sa tatlo ay gusto yata akong patayin sa stress. Diyos ko, bakit ko ba pinasok ang trabaho na 'to?

"Catch me! Catch me, Thaly!" aniya na may kasama pang malakas na halakhak na pumuno sa hallway na nadadaanan namin.

Ang mga maid na naglilinis ay natitigil dahil sa sigaw ni Darvius. Ako na ang humingi ng tawad at bibigyan naman nila ako ng naaawang tingin. Nagtuloy ulit kami sa paghahabulan. Hinahabol ko na ang sariling hininga dahil sa lakas ng takbo ni Darvius.

"Ang kulit-kulit talaga! Bumalik ka nga dito, Darvius Jayce!"

Ilang minuto pa kaming naghabulan sa loob ng bahay hanggang sa ma-corner ko siya dahil pumasok siya sa loob ng laundry area. Mabuti na lang nakinig na siya akin at sumama na pabalik ng kuwarto nila. Pawis na pawis na ako umaga pa lang dahil sa batang 'to.

Naabutan namin sa kuwarto si Dariux na nakabihis na at ang mga mata ay nakatutok sa Ipad nito. Si Dalvis naman ay nakasimangot pero tumutulo pa rin ang luha mula sa mga mata niya. Ang iyakin talaga ng batang 'to. Ibinalik rin naman ni Darvius ang brief ni Dalvis kaya tumahan na. Naawa siguro sa kapatid.

Pagkatapos paliguan at bihisan ang dalawa ay inaya ko na silang tatlo na pumunta sa study room nila. Nalaman ko mula kay Manang-kay Marisa, na homeschooling ang mga bata. Alas nuebe ng umaga nagsisimula ang klase nila.

Pagpasok namin sa study room nila ay bumungad sa amin ang isang babae. Sa tingin ko ay mas matanda siya ng ilang taon sa akin. Lumapit si Darvius sa babae at niyakap ito. Si Dariux at Darvis ay tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

Nag-angat ng tingin sa akin ang teacher nila. Binigyan niya ako ng ngiti kaya ngumiti rin ako pabalik. Ang ganda niya.

"Bago ka dito?" she asked.

"She's our nanny, Teacher Fey! Her name is Thaly!" si Darvius na ang sumagot para sa akin.

"Talaga?" tumango ang babae bago inilahad sa akin ang palad niya. "It's nice to meet you, Thaly. Please call me Fey. Ako nga pala ang teacher ng mga bata."

Agad na tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti lang pabalik. Magsisimula na raw ang klase nila kaya nagpaalam muna ako. Naisip kong handaan sila ng snacks kaya napagpasiyahan kong magpunta sa kusina.

Nakasalubong ko si Manang na nilagpasan lang rin naman ako. Hindi ko tuloy mapigilang mapanguso. Nagtuloy ako sa kusina at ginawa ang dapat kong gawin bilang nanny ng mga bata.

Pagbalik ko ay gumuguhit na ang mga bata sa drawing book nila. Maingat kong inilapag ang tray ng snacks sa side table. Nagkangitian kami ni Fey nang magtama ang mga mata namin. She then mouthed 'Thank you'.

Bumaling ako sa mga bata na abala sa pagguhit ng kung ano sa papel nila. Dahil ang cute nilang tingnan, kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong pantalon. Wala naman akong uniform hindi katulad ng mga kasambahay.

Taming The NannyWhere stories live. Discover now