Chapter 11

391 17 3
                                    

Chapter 11: She's not you

"Nandito pala iyong kababata ni Sir, 'no? Ang ganda pala niya sa personal. Balita ko kakaauwi lang daw galing America. Sosyal!" sambit ni Charie sa akin habang tinutulungan ko silang maghanda ng dinner.

Tulog pa naman ang mga bata at wala akong gagawin kaya dito na lang ako sa kusina. Ang mga bisita ay nasa living room at nagkukwentuhan.

"Maganda nga siya," pilit na ngumisi ako. "Bagay na bagay silang dalawa ni Sir."

"Tsk. Mas maganda ka naman, 'te. Mayaman lang talaga siya tapos mukhang maarte—"

"Hinaan mo iyang boses mo, Charie. Baka may makarinig sa 'yo," sita ni Aling Bene, ang mayordoma.

Nagkatinginan kami ni Charie at sabay na napangiwi. "Showri pow."

Iba na lang ang pinag-usapan namin dahil baka palayasin na kami ni Aling Bene dito sa kusina. Kaming tatlo lang rito. Ayoko pa naman sana na puntahan ang mga bagong dating sa living room. Nahihiya ako. Isang tingin mo pa lang, alam mo na may ibubuga na e.

Iyon na kaya iyong girlfriend ni Sir? Sana hind—

"Cathalyn."

"Ay, girlfriend!"

Narinig ko ang mahinang pagpipigil ng tawa ni Charie sa gilid ko. Umawang ang labi ko at taranta na humarap sa aking gilid. Nakatayo roon ang isang bulto habang magkakrus ang braso sa ibabaw ng dibdib. Wala akong makitang ekspresyon sa mukha niya. Seryosong-seryoso siya na nasa akin ang mga mata.

"What?"

"Sir Drawsen...ikaw pala." Nanlaki ang mata ko bago yumuko ng konti habang pinapagpagan ang kamay sa suot na apron. "Ano po 'ng ginagawa niyo dito? May kailangan po ba kayo?"

Sinulyapan muna niya si Aling Bene at Charie na itinuloy ang ginagawa pero alam kong nakikinig sila. "Can we talk for minute? I have something to say."

Ipinilig ko ang aking ulo bago iniwas ang mga mata sa kaniya. "Po? Sorry, Sir. May ginagawa pa kasi kami. Pwede mamaya na lang?"

Nanliit ang mata niya sa akin. "Aling Bene, can I talk to Cathalyn for a few minutes?"

"Sige, Sir. Sumama ka na kay Sir, hija. Patapos na rin naman kami dito."

Suminghap ako nang makita ang mayabang na ngisi sa labi ni Sir. He mouthed 'see?'. Hindi ko napigilan at sinamaan ko na siya ng tingin pero mapanuyang ngisi lang ulit ang iginawad niya sa akin.

"Drawsen... you're here pala. Tita is looking for you."

Lumitaw ang babae sa likod ni Sir at hindi pa nakuntento, hinawakan nito ang kaliwang braso niya. Bumaba ang tingin ko roon at ayon na naman ang kakaibang kirot sa akin puso. Pinanood ko kung paano marahang kalasin ni Sir Drawsen ang kamay ng babae nang mapansin na nakatitig ako roon.

Si Ma'am Sharma.

Ang ganda niya talaga sa malapitan. Hindi makapal ang make-up niya kaya sumisilip ang natural niyang ganda lalong lalo na ang mapula-pula niyang labi. Sobrang kinis at hindi mo makikitaan ng mga pagkakamali.

Umayos ako ng tayo nang bumaling ang babae sa akin. Napansin niya siguro na nasa akin ang paningin ni Sir. Hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pag-angat ng isa niyang kilay bago siya ngumiti.

"Hi! You must be Cathalyn? The kids's yaya, right? Nakwento ka sa 'kin ni Tita. I heard a lot about you."

Ang ganda ng ngipin niya. Mapula ang labi at ang hanggang balikat na buhok ay eleganteng nagpapahinga. Sobrang ganda. Para siyang modelo tapos ako parang yaya ng modelo.

Taming The NannyWhere stories live. Discover now