Chapter 16

390 13 0
                                    

Chapter 16: Date


Inaayos ko ang mga damit ng mga bata sa kanilang walk-in closet nang biglang tumunog ang phone ko. Oras ng klase nila ngayon at dahil wala naman akong magawa sa bahay ay nilinisan ko na lang ang kwarto nila. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at nakitang may isang text ma dumating.

Drawsen na pogi 143:

Hi? What are you doing now?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para mapigilan ang paglaki ng ngiti. Oo nga pala. Text mate na rin kami. Kapag nasa trabaho siya ay minu-minuto yata akong tini-text. Siya na nga ang sumagot sa isang buwan na load ko para palagi akong makapag-reply sa kaniya.

Nasa isang business trip siya ngayon sa Singapore. Sa susunod na araw pa siya uuwi dahil three days siya do'n.

Ako:

Naglilinis po sa kwarto ng mga bata. Ikaw?

Mabilis ang reply niya. Siguro hindi pa siya busy ngayon.

Drawsen na pogi 143:

Finally done with my first meeting. Wish you were here with me tho :(((

Mahina akong natawa dahil sa emoji na ginamit niya. Humilig ako sa hamba ng pintuan habang nakangisi na parang tanga habang nag-re-reply sa kaniya.

Ako:

Isama mo na kaming apat sir next time

Biglang nag-flash ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko pagkatapos kong i-send iyon. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin iyon.

"I miss you."

Iyon agad ang bungad niya. Matagal akong nakasagot dala na rin ng gulat. Bigla-bigla na lang nag-a-i miss you eh nagkita naman kami kahapon. Sumabay pa nga ako sa mga bata para ihatid siya sa airport.

Tumikhim muna ako bago sumagot. "Iyong pasalubong ko, Sir, ah? 'Wag niyong kalimutan."

"Yeah. I miss you. Do you miss me too?" lumalim ang paghinga niya.

Napakamot ako sa aking batok, pinipigilang wag matawa. Ang sarap talaga niyang asarin. Kung nakikita ko lang siguro ang reaksyon niya ngayon ay humagalpak na ako sa tawa.

"Ingat ka po d'yan at wag, ano, magpapagutom. Kumain ka po sa tamang oras para hindi ka magkasakit. Sana po successful ang trip niyo at stay safe po always--"

"Mahirap bang sabihin na miss mo na rin ako?"

Tumahimik ako hanggang sa hindi ko na napigilan ang aking halakhak. Agad din akong tumigil dahil baka may makarinig sa akin at masabihan ako na nababaliw na dahil tumatawa ng mag-isa. Nang mapansin niya na walang salita galing sa akin ay iniba niya ang usapan. Tungkol na sa mga bata ang pinag-uusapan namin.

"Galit ka?" mahinang tanong ko nang matahimik siya nang ilang segundo.

"Hindi ako galit."

Napalabi ako. "Naiinis ka?"

"I'm not," bumuntong-hininga siya. "You must be tired cleaning the little brats' room. I'll hang up now so you could take a rest. Tatawag ulit ako mamaya, 'kay?"

Taming The NannyWhere stories live. Discover now