Chapter 10

396 15 2
                                    

Chapter 10: Special Guest

Kinagabihan, pagkatapos ng hapunan, nagpasya si Tita Amely na sa kwarto niya matutulog ang mga bata. Gano'n rin naman ang gusto ng mga bata kaya wala nang nagawa si Sir Drawsen. Pinanood kong mag-unahan ang mga bata patungo sa ikalawang palapag kasama ang lola nila.

"Good night po, Ma'am—este Tita Amely!" pahabol ko.

Lumingon ito at matamis na ngumiti. "Make yourself comfortable, hija. Good night, you two."

Kaming dalawa na lang ni Sir Drawsen ang naiwan sa living room. Paglingon ko sa kaniya ay nakaupo na siya at nakasandal ang likod sa mahabang sofa. Tinapik-tapik niya ang bakanteng space sa tabi, may naglalarong ngiti sa kaniyang labi na ipinagtaka ko.

Parang palagi ko nang nakikitang ngumingiti si Sir ngayon ah?

"Come here."

Wala sa sariling naglakad ako patungo sa kaniya at umupo sa tabi niya. Ilang inches lang ang pagitan namin at kakaibang tensyon na naman ang naramdaman ko. At ayon na naman ang kakaibang titig niya na nagpapahina sa akin. Biglang bumilis ang takbo ng aking puso nang idinantay niya ang matipunong braso sa sandalan ng couch na nasa likod ko.

"Bakit po, Sir?"

"You're calling my Mom 'tita' but you still address me like that. I'm hurt, baby." Napanguso siya bago kinagat ang pang-ibabang labi. "Why don't you start calling me by my name from now on? Isn't that a nice idea, hm?"

"Eh?" Napakurap ako. "Sanay na ako sa Sir, Sir. T'ska, ano, parang ang awkward naman pag tatawagin kita sa pangalan mo."

Paniguradong iba na naman ang iisipin ng mga kasama kong kasambahay lalong lalo na si Ate Marisa. Lihim akong napangiwi sa isiping iyon. At ano naman ba ang pumasok sa kukote ng lalaking 'to at gusto niyang tawagin ko siya sa pangalan niya?

Nagkibit-balikat siya. "Edi sanayin mo rin ang sarili mo na tawagin akong Drawsen. I really want to hear you calling my name everytime."

Pinaglaruan ko ang pang-ibabang labi "Pag-iisipan ko po, uhm... Drawsen."

"Fuck."

Nagulantang ako sa bigla niyang pagmumura. Tinakpan niya ang bibig gamit ang palad at mahinang napamura. Nagsalubong ang kilay ko, medyo hindi nagustuhan ang inaakto niya.

"Akala ko po ba gusto mo na tawagin kita sa pangalan mo?" may inis sa boses na sabi ko.

Nakita ko ang bahagyang pamimilog ng mga mata niya nang marinig ang

"That's not it. I'm not mad. It's someone else." Humugot siya ng malalim na hininga na animo'y ang laki-laki ng problema niya. "Cathalyn... I really want a taste."

"Ng alin po?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Of your lips."

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing iyon. Basta ang alam ko lang, pagkatapos ng pag-amin ni Sir ay tumakbo agad ako sa tutulugan kong kwarto-- sa guest room. Yaya lang naman ako pero ang gara ng tinutuluyan kong kwarto. Ang bait talaga ni Tita Amely!

Hindi katulad ng anak niya na gusto yata akong atakehin sa puso. Masiyadong honest, straightforward... at hot! Hindi ko maiwasang masunog dahil sa kaniya.

Maaga akong nagising kinabukasan. Alas singko pa lang ay gising na ako. Halos hindi nga ako makatulog dahil excited na akong matikman ang dagat. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakapag-beach.

Naghilamos muna ako lumabas ng kwarto. Itim na fitted t-shirt, maong shorts na hanggang tuhod, at dark blue na tsinelas ang aking suot. Binati ko ng magandang umaga ang mga nakilala kong kasambahay kahapon bago ako lumabas ng bahay.

Taming The NannyWhere stories live. Discover now