Chapter 12

404 15 1
                                    

Chapter 12: Kiss


Ako? Manhid? Talaga ba? Napapansin ko ang mga kakaibang trato niya sa akin... pero hindi pumasok sa isip ko na ginagawa niya iyon dahil may gusto siya sa akin. Assumera ako pero hindi delusional.

"B-Bumalik na po tayo sa loob ng bahay."

Hindi ko alam kong paano ko nakayanang sabihin iyon kahit na nanginginig na ako. Sa kaba, sa tuwa, at sa... kilig? Halo-halo ang emosyon ko at hindi ko alam kung ano ang una kong aatupagin.

Kung panaginip man 'to, sana hindi na ako magising.

Nagsimula akong humakbang palayo sa kaniya. Hindi niya naman ako pinigilan. Natulala ako na parang tanga. Parang sasabog na ang utak ko sa mga iniisip. Si Sir Drawsen... may gusto sa 'kin? Paano? Bakit? Kailan pa?

Ang sarap sumigaw, magwala, at lumipad papunta sa kabilang planeta. Gustong-gusto ko siyang tanungin pero nahihiya ako. Hindi ko first time na makatanggap ng confession galing sa isang lalaki... pero first time kong makatanggap ng confession sa amo ko pa mismo! Sa ganito kagwapong lalaki.

"Baby..."

Tinawag niya ako habang naglalakad siya sa aking likuran. Hanggang ngayong ay hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya ako ng ganiyan. Akala mo naman talaga may label na kami.

"H-Hm?"

"Don't avoid me after this, alright? I can wait for your response. Take your time."

"Oh..." tumikhim ako at napalabi. "Okay."

Ginising ko ang mga bata para sa hapunan. Sabay kaming bumab at nakatayo lang ako sa gilid nila nang salubungin sila ng kanilang Tita Amelia. Isa-isa niyang niyakap at hinalikan ang mga bata. They looked happy. Hindi ko mapigilang lumingon kay Sir at napansin ko ang munting ngiti sa labi niya habang tinitingnan rin ang apat.

"Still the cutest, my babies! I miss you, three!" sabi ni Ma'am Amelia. "I will give you my gifts later, okay?"

Dumating si Aling Bene at inanusyo na handa na ang hapunan. Sabay na nagtungo kami sa dining table at pinaghila ko ng upuan. Napansin kong masungit na sinulyapan ako ni Ma'am Amelia kaya umatras ako palayo.

"Thaly, are you not going to join us?" tanong ni Darvius na nagpatahimik sa lahat.

"H-Ha? Mamaya na ako kakain, baby."

"Oh... okay."

Inosenteng tumango si Darvius at humarap na sa pagkain niya. Wala sa sariling sinulyapan ko si Sir na mataman na nakatingin sa akin. Sa tabi niya ay si Ma'am Sharama na hindi mawala ang ngiti sa labi habang pasulyap-sulyap kay

"Thaly, it's alright. Umupo ka na at samahan mo kami."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita Amely.

"Mom, this is a family dinner, right? Hindi dapat kasama ang... yaya," may inis sa boses na sabi ni Ma'am Amelia.

Salubong ang kilay na tiningnan ni Sir ang kapatid. "Mind your words, Amelia Luise."

"What?" nagkibit-balikat ang babae at masama ang tingin na sinulyapan ako.  "I'm just saying, Kuya..."

"Amelia, stop being so masungit," natatawang puna ni Sharma. "Kaya ka hindi nagkaka-boyfriend eh."

Inirapan ni Ma'am Amelia ang kaibigan bago ito napanguso. "I don't need boyfriends."

Nag-usap ang magkaibigan at sumali rin si Tita Amely kaya wala na ngayon ang atensiyon sa akin. Dumapo ang tingin ko kay Sir nang maramdaman ang titig niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya bago tinuro ang kusina. Nakuha naman niya kung ano ang ibig kong sabihin kaya tumango lang siya.

Taming The NannyWhere stories live. Discover now