Chapter 15

390 16 0
                                    

Chapter 15: Home

Literal na muntik nang bumagsak ang panga ko kasabay ng panlalaki ng aking mg mata dahil sa isiniwalat niya. Nakapako ang mata ko sa kaniya, naghihintay kung meron pa ba siyang idudugtong. Hindi pa rin nagp-process sa aking utak ang katotohanan na hindi siya ang tunay na ama ng mga bata.

"M-May... may alam ba sila na hindi ikaw ang totoong d-daddy nila?" sa wakas ay nakayanan ko nang bigkasin ang kanina ko pa gustong itanong.

Bumagsak ang balikat ko nang umiling siya. Sigurado akong kapag nalaman ng mga bata ito, masasaktan sila. Iniisip ko pa nga lang ang reaksiyon nila kapag nalaman nila na wala na ang totoo nilang parents ay nasasaktan na ako.

"Mom, Amelia, and our closest relatives were the only ones who knows about this. We don't want to lie to them about this but... I'm left with no choice," his voice almost broke. "Treating the kids as my own was my brother's wish if something bad happen to him. Naalala ko pa nga na tinawanan ko lang iyon."

Tahimik na pinakinggan ko ang sunod niyang sinabi.

"I don't want them to grow up without a father. Hindi ko gustong maranasan nila ang naranasan namin ng totoong ama nila. We grow up without a father's assistance, Cathalyn. It wasn't easy."

Alam ko. Lumaki akong walang tatay at nanay kaya alam ko na pareho kami ng nararamdaman. Sobrang hirap. Parang palaging may kulang sa isang parte ng puso mo na walang kahit sino man ang makakapuno.

"But, I guess, hindi ko nagawa ang ipinangako ko sa kaniya na aalagaan ko sila. I was never a good father to them. Naunahan ako ng takot na baka hindi ko sila maalagaan ng maayos."

"Drawsen..."

Humakbang ako palapit sa kaniya at agad naman niyang hinawakan ang aking mga kamay. Hinapit niya ako palapit para mas mapalapit sa kaniya hanggang sa maramdaman ko ang braso niya na pumulupot sa aking baywang. Mahinang suminghap siya sa aking buhok.

"I'm sorry for lying," bulong niya.

"Hindi ka dapat sa akin mag-sorry."

"I know. But, still, I want to apologise for only saying this to you right now."

"Hindi pa naman po tayo close noon kaya okay lang. Na-shock lang talaga ako. Super shock talaga like," hinawakan ko ang pisngi ko at umaktong nagugulat. "Parang ganito."

Ang kaninang seryoso niyang mukha ay unti-unting naglaho. Napalitan iyon ng masayang mukha. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi bago niya ito marahang kinagat. Napatitig tuloy ako roon pero agad nag-iwas dahil baka mahuli niya ako. Lumiliwanag ang mata niya sa pagkamangha at saya.

Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa aking mata at inipit ito sa likod ng aking tainga. Titig na titig pa rin siya sa akin. Lihim akong napangiti dahil sa ginawa niya.

"Oh, damn, baby... kailangan mo na talaga akong panagutan."

Hindi pa ako nakakabawi sa sinabi niya ay nanlaki agad ang mata ko nang mabilis niyang siniil ng halik ang aking labi. Umawang ang labi ko dahilan para mapangisi siya.

"You will stay with me. Until forever and beyond," he said with finality on his voice.

Mabilis na lumipas ang araw. Walang nagbago sa takbo ng buhay ko maliban sa nakapagpadala na ako ng pera sa probinsya dahil sa wakas sinuwelduhan na ako ni Sir Drawsen. Naroon pa rin sa akin ang gulat ng ipinagtapat ni Drawsen kaya minsan ay natutulala na lang ako sa hangin.

"Thaly!"

Napakurap ako nang harangan ng mukha ni Darvius ang aking paningin. Masama ng tingin niya sa akin at nakanguso pa ang labi na parang naiinis na. Nanonood sila ng pambatang palabas sa TV pero hindi naman doon ang atensyon nila. Nasa akin.

Taming The NannyWhere stories live. Discover now