Chapter 19

362 16 0
                                    

a/n: sorry sa late ud viviess! medj tinamad lang ng konti xoxo

- - - - - - - - -

Chapter 19: Save




"What is she talking about, T-Thaly?" nahuli ng pandinig ko ang pagkabasag ng boses ni Darvius.

"D-Darvius..." Hinawakan ko ang kaniyang balikat para mapa-atras siya pero hinarap niya ako.

Namumula na ang mukha. Hindi lang siya, maging si Dalvis at Dariux ay naiiyak na rin. Parang may pumunit sa puso ko nang makita ang pinaghalong sakit at kaguluhan sa mga mata nila. Yumuko ako para magpantay ang mga mukha namin.

Pilit akong ngumiti. "Mamaya na lang natin puntahan ang Daddy niyo."

Suminghot si Dariux. "She's probably lying. I don't trust her."

Huli na para pigilan ko siya. Tinulak niya ang pinto dahilan para mapunta ang atensiyon ni Drawsen at Sharma sa amin. Nanlaki ang mata ko sa kaba at takot. Natatakot ako sa magiging kahihinatnan nito.

"What is she talking about, Dad?" ani ni Dariux.

Suminghap ako at hahawakan na sana siya pero nagsalita si Sharma.

"I'm telling the truth, kids. He is not your real father—"

"Sharma, shut it!"

"—he is your father's twin. Hindi niya kayo anak."

"I said stop it!" umiigting ang panga na putol ni Drawsen kay Sharma. "Get out now and don't let me see your face nor your shadow here again."

"D-Drawsen, no—"

Tinilikuran siya ni Drawsen bago ito may pinindot sa kaniyang mesa.

"Call the security, Leah."

"W-What... Drawsen! Don't do this to me!"

Bumaba ang tingin ko sa mga bata pero wala na sila sa dati nilang pwesto ngayon. Nilibot ko ang tingin sa paligid at unang dumapo ang mata ko sa elevator na unti-unti nang sumasara. Huli kong nakita ang pagpunas ng luha ni Darvius bago tuluyan itong sumara.

Walang pagdadalawang isip na hinabol ko sila. Tiningnan ko ang numero na nakalagay sa taas ng elevator na pababa na sa unang palapag. Hindi ko napigilang magmura. Narinig ko pa ang sigawan ng dalawa sa loob ng opisina pero hindi ko iyon pinansin.

Mabilis na pumasok ako sa loob ng elevator nang bumukas ito. Iyon na yata ang pinakamahabang minuto sa buhay ko bago ako nakalabas. Agad na hinanap ng mata ko ang mga bata. Mas lalo akong kumabog ng malakas ang puso ko nang makitang wala na sila.

Lumapit ako sa security guard na nagbabantay. Tinanong ko siya kung nakita ba niya ang tatlong bata na tumatakbo palabas. Tumango siya at tinuro ang direksyon kung saan papunta ang mga bata. Nagpasalamat ako bago tumakbo ulit, lihim na nagdadasal na sana ay hindi pa sila nakakalayo.

Ngunit ilang minuto na akong umiikot sa lugar na baka sakaling takbuhan nila pero wala pa rin. Mababaliw na ako kakaisip kung nasaan sila at kung ano na ang nangyayari sa kanila. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang manubig ang aking mga mata.

Inihilamos ko ang palad sa mukha nang marinig ang pag-ri-ring ng cellphone ko. Sinagot ko agad iyon nang makitang si Drawsen ang tumatawag.

"H-Hello..."

"Where are you?"

Sinabi ko sa kaniya kung nasaan ako habang nililibot ang tingin sa paligid. "Hindi ko pa sila nakikita..."

"I'm coming, okay? I'm on my way. Wait for me," kalmadong aniya.

"Natatakot ako," pag-amin ko. "Pa'no kung—"

Taming The NannyWhere stories live. Discover now