Chapter 23

409 19 0
                                    

Chapter 23: Home Sweet Home

Sa amin nagpalipas ng gabi si Drawsen. Hindi siya pinayagan ni Lolo na umuwi kahit na dala naman niya ang kaniyang sasakyan. Sa kwarto siya ni Tito natulog na katabi lang ng kwarto ko. Wala namang masiyadong ganap sa gabing 'yon. May pinag-usapan saglit sina Lolo at Drawsen na ayaw ipaalam sa akin kung ano ito.

Tahimik na ang buong bahay at paniguradong tulog na ang lahat. Ilang minuto na lang ay hating-gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ako mapakali sa higaan ko kaya nagpasiya na lang akong bumangon at lumabas sa aking kwarto. Dumiretso ako sa banyo para umihi bago pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"You're awake..."

"Ay, anak ka ng tokwa!"

Napahawak ako sa aking dibdib at nanghihinang sumandal sa pinakamalapit na dingding sa akin. Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawanan ko nang makita kung sino ang nakatayo malapit sa lababo at umiinom ng tubig. Kumindat pa siya bago pangisi-ngising binalik ang baso sa lagayan nito.

"Ang cute mo talaga magulat," aniya.

Pinakalma ko muna ang sarili bag naglakad palapit sa kaniya. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig roon. Nakapameywang na hinarap ko ulit siya. Kumunot ang noo ko nang mapansin na hindi pa pala niya inaalis ang tingin sa akin. Nagtatakang tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit?" tanong ko habang umiinom ng tubig.

"You look hot with your messy hair, no make-up face, and in your pajama." May kung anong kumislap sa mata niya bago siya pilyong ngumisi. "It's turning me on."

Naibuga ko ang iniinom. Uminit ang pisngi ko at para itago sa kaniya ang namumula kong mukha ay inirapan ko muna siya bago ako nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ngumuso ako para itago ang ngiting gustong kumawala sa aking labi.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Maaga ka pa bukas 'diba?" sabi ko bago uminom ng tubig.

"You mean, maaga tayo bukas?" tumaas ang isang kilay niya.

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

Inabot niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. Mahigpit na hinawakan ko ang hawak na baso nang ipinalibot niya ang mga braso sa baywang ko at pinatakan ng halik ang noo ko.

"Baby,  do you think I would be able to leave this place without you? Kung hindi ka pa aalis bukas, hindi na rin ako aalis dito. Sasama ako sa'yo kahit saang panig ka pa ng bansa pupunta."

Nag-angat ako ng tingin at ilang beses na napalunok. May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. "Pa'no ang trabaho mo? Ang mga bata? Kailangan ka nila, Drawsen!"

"But I need my girlfriend and the kiddos want their Nanny back. That's why I'm bringing you with me."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.

"Pero hindi na ako ang yaya nila 'diba? Tanggal na ako na trabaho, Drawsen."

Kinindatan niya ako. "Then I'm hiring you again. Simple as that. And, baby, it's my sister who fired you, not me, right? I was the one who hired you in the first place kaya ako lang din ang may karapatan na tanggalin ka sa trabaho."

Mahina akong natawa at binagsak ang ulo ko sa dibdib niya. Humigpit ang yakap niya sa akin. Pumikit ako at pinakidamdaman ang init na galing sa katawan niya. Sa ilang segundong lumipas ay panay ang halik niya sa noo at minsan naman ay sa buhok ko. Napapangiti ako sa tuwing bumubulong siya ng 'I love you' sa aking tainga.

Nanatili kami sa gano'ng posisyon bago ako kusang humiwalay. Humikab ako at inaantok na tiningnan siya. Mapungay na rin ang mata niya. Hindi ko napigilang panggigilan ang pisngi niya. Sobrang gwapo talaga! Baka boyfriend ko na 'yan.

Taming The NannyWhere stories live. Discover now