CHAPTER 5

1.5K 46 2
                                    

Maaga akong nagising ngayon dahil may bibisitahin kami ni Lucas. Mamayang hapon pa uuwi ang ate Solane niya. Wala akong trabaho ngayon kaya napagdesisyunan kong bisitahin ang puntod ng anak ko na namatay noon.

Simula nang umuwi kami galing Russia, hindi ko pa ito nabibisita. 

"Mom, where are we going?" Nagtatakang tanong ni Lucas sa akin na nasa tabi ko, nakaupo sa passenger seat.

I glanced at him and smiled. "We'll visit your kapatid anak, remember?" sabi ko.

Napasinghap ito at nanlaki ang mga mata. "Ah! Iyong kapatid ko po na namatay?" he innocently asked.

I nodded while driving. "Yes, nak," sagot ko.

"I can't wait to meet him!" Lucas happily exclaimed.

I smiled. Lagi ko kasing kine-kwento sa mga anak ko ang nawala nilang kapatid. Gusto ko kasi kahit wala sa tabi namin ang kapatid nila, alam nila ang tungkol rito at makilala. For me, it's important for them to be aware that they have an older sibling.

Baby Velasco is my first child. Malaki na siguro siya kung hindi lang siya nawala. Mapait akong napangiti.

Hindi ako masydong nakapagluksa sa kanya noon dahil sa dami ng nangyari. Hinding-hindi ko makakalimutan si Baby. Ang hina ko dati.

Simula ng dumating sa buhay ko sila Solane at Lucas. Tinatak ko talaga sa isip ko na kailangan kong maging malakas para sa kanila.

I'll do everything to protect my kids from harm and pain. Ayaw ko ng matulad dati.

My grip on the steering wheel tightened. "My, can I borrow your ipad?" Napalingon ako kay Lucas sandali ng bigla itong magsalita.

Nakanguso ito. He looked bored.

"Sure, kunin mo na lang sa bag ko sa backseat, nak," I said.

"Opo." Sinunod naman ni Lucas ang sinabi ko. Kinuha niya mula sa backseat ang bag ko at kinuha mula roon ang Ipad ko. Binalik niya rin naman agad ang bag ko sa likod.

Natahimik at hindi na ulit umimik si Lucas matapos makuha ang Ipad. Busy na ito kakalikot sa Ipad.

Hinayaan ko na muna ito para naman hindi ito ma bored dahil medyo malayo ang sementeryo na pupuntahan namin.

Dumaan lang kami sandali sa isang drive thru nang magutom si Lucas. Hindi pala kami nakapag breakfast kanina sa bahay. Maganang kumakain sa gilid ko si Lucas habang nanonood ng kung ano sa YouTube.

Habang ako naman ay kumakain ng fries at burger habang nagmamaneho.

"Kuya? Nasaan iyong puntod ng anak ko rito?" Nagtatakang tanong ko sa caretaker na naglilinis ng sementeryo.

Bakante na kasi ang lote ng pinaglibingan ng anak ko kaya nagtaka ako at tinanong si Manong na isa sa mga caretaker rito na una kong nakita. Huminto ito sa pagwawalis ng dahon at napatingin sa akin.

Lumapit ito sa akin. "Ah? Iyong dating nakalibing dito, Ma'am?" mabait na tanong nito. "Kaano-ano ka po ba ng nakalibing dati rito, Ma'am?" dagdag na tanong nito.

"Anak ko iyong nakalibing dito," sagot ko agad kay Manong.

Napakamot ito sa ulo. "Ay ganoon po ba, Ma'am... Pinalipat na po ng asawa niyo. Pinagawan niya ng sariling mausoleum," sagot nito.

My eyes widen because of what he said. "Ho?" I was dumbfounded.

Nabingi ba ako? Mausoleum? Asawa? Is he referring to Nico? But why? Malabong si Nico ang nagpalipat. Walang pake iyon sa anak namin. 

"Matagal nang nailipat iyon dito. Mga limang taon na ata ang nagdaan, Ma'am." Manong said.

Kung si Nico nga, ano naman ang reason niya para gawin ito? Siya nga ang may dahilan kung bakit nawala ang anak ko. Tapos malalaman ko na pinagawan ng mausoleum at pinalipat niya? Anong nakain niya?

SELENE [BOOK 2]Where stories live. Discover now