CHAPTER 12

1.1K 28 2
                                    

I am at the island counter, sitting and drinking my wine while thinking deeply. Pinapaikot ko sa kamay ko ang wine glass habang nakatitig rito.

Patay na lahat ng ilaw sa sala at sa kusina dahil magmamadaling araw na. Hindi ako inaantok kaya umiinom ako.

"Not sleepy?" biglang salita ng isang boses sa likod ko.

Sumimsim ako sa inumin ko bago tumingin sa nagsalita. Kahit madilim ay alam ko pa rin kung sino iyon. Sa amoy pa lang, kahit sa malayo alam ko na.

Kahit na hindi naman ako nito gaanong nakikita dahil sa dilim ay ngumiti ako. "Marami lang akong iniisip kaya hindi ako makatulog." Mahinang sagot ko.

Napatingin ito sa hawak ko. He clenched his jaw.

"You want?" lahad ko sa iniinom.

He nodded slowly.

Tatayo na sana ako para kuhanan siya ng wine glass nang pigilan ako nito gamit sa palapulsohan. "Ako na, ako na ang kukuha, umupo ka na lang diyan." Steve said.

I shrugged my shoulders. “Ikaw bahala.” Kaya naman ay hinayaan ko na itong siya ang kumuha at magsalin sa sarili. Pagkatapos ay umupo na ulit ito sa tabi ko.

"Alam na ba ni Lucas?" pagbubukas ni Steve ng usapan sabay inom ng hawak.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Umiling ako. "No, he has no clue about Nico," sagot ko sabay tungga sa inumin.

Ubos na ang laman nito kaya sinalinan ako ni Steve.

"Thanks," pasalamat ko.

"But he was with Nico's house earlier?" maingat na tanong niya sa akin.

"Oo," sagot ko.

“Paanong nandoon si Lucas sa bahay niya?” puno ng takang tanong niya.

“Nakita niya raw na umiiyak na tumtakbo sa gilid ng kalsada. Muntik na raw masagasaan,” sagot ko.

Mabilis na napalingon si Steve sa akin. "Hindi niya sinabi kay Lucas ang totoo?" kuryosong tanong ni Steve.

I smirked. "We have an agreement."

Kumunot ang noo niya. "Agreement? What agreement?" Steve quizically asked me while staring intently at me.

"He can come close to Lucas, but he cannot introduce or tell Lucas the truth that he is his father,” I replied.

"At pumayag siya sa gusto mo?" hindi makapaniwalang bulalas niya sa narinig.

I scoffed. "Aba dapat lang," I said stopping myself from rolling my eyes.

Kung ayaw niya, bahala siya.

Uminom muna si Steve sa hawak bago nagsalita. Parang may iniisip. "Nag-uusap na pala kayo ulit?" Steve causally asked.

I immedietly shook my head. "What?! No! Isang beses lang!" I shouted. Nilingon ko ito at nakitang nakatitig ito sa akin.

Hindi ito nagsalita kaya naman ay nagpatuloy ako. "Naalala mo noong lumabas kami ng mga bata? Pagkauwi namin, naabutan ko siya sa loob ng kwarto ko pagka—” paliwanag ko pero pinutol ako ni Steve.

"Pumasok siya sa kwarto mo?! Anong ginawa niya sa iyo?" Steve asked solemnly, his jaw clenched. Nakita kong humigpit ang hawak niya sa wine glass.

I looked directly into Steve's eyes. Hinawakan ko ang kamay nito. "Wala naman," sagot ko agad. "Nakiusap lang na gusto niyang makilala at makalapit kay Lucas," dagdag ko.

"Tapos?" he stared at me.

I pouted when I saw his serious face now. "Syempre umayaw ako, ayaw na ayaw kong makitang lumalapit  siya sa anak ko.”

SELENE [BOOK 2]Where stories live. Discover now