CHAPTER 10

1.3K 36 15
                                    

Maaga akong nag out sa trabaho ngayon at nasa restaurant na nakaupo, naghihintay kay Nico. I looked at my wrists watch. Sobrang aga ko. Nauna ako rito sa restaurant nang thirty minutes sa napag-usapan naming oras.

Sinadya ko talagang mas maaga rito para naman makapag-isip ako. Tahimik lang ako sa kinauupuan ko habang sumisimsim sa wine na inorder kanina.

Hindi natuloy ang pagkikita namin noong nakaraang araw ni Nico dahil biglang may emergency ako sa hospital at sobrang naging busy ako at hindi ko na naisingit ang pagkikita namin. Aba! Siya ang mag adjust at hindi ako. Ang kapal naman kung ako pa ang mag a-adjut para sa kanya!

Kaya ngayon lang talaga natuloy ang pagkikita namin rito para pag-usapan ang tungkol kay Rowen. Hindi ko pa pala nasasabi kay Steve ang tungkol dito. I'll tell him later night after this talk.

Napabaling ang atensyon ko sa taong papasok sa loob ng restaurant na may kasamang magandang babae.

Napatingin ako sa kamay niyang nakapulupot sa bewang ng babae. Napataas ang kilay ko. Sino naman kaya ang kasama ng lalaking ito?

Akala ko ba kami lang dalawa dapat? Kaya nga hindi ko sinabi muna kay Steve dahil sigurado akong sasamahan ako nun! Tapos magdadala siya ng babae? Para ano?

I secretly rolled my eyes. Whatever. None of my business.

May isang waiter na lumapit sa dalawa at tinuro ang direksyon ko. Nagkatinginan agad kami ni Nico. He clenched his jaw.

Umayos ako ng upo nang naglakad na ang dalawa palapit sa direksyon ko.

Hindi ako tumayo ng nasa harapan ko na sila nanatili ang tingin ko sa iniinom.

Wala sa akin ang upuan kaya umupo sila kung gusto nila.

"I'm sorry to keep you waiting, kanina ka pa ba rito?" Nico asked me.

I lifted my head and stared at him.

"No, kakarating ko lang," kalmadong sagot ko kahit na kanina pa talaga ako rito.

He nodded and glanced at the girl beside him. Pinaghila niya ito ng upuan bago siya umupo sa harapan ko.

Tahimik ko lang silang pinagmamasdan dalawa.

I cleared my throat. Nilapag ko sa lamesa ang isang brown envelope.

"Read it; that's my terms and conditions," I seriously said.

Nico looked at me for a while before taking the envelope and opening it. He started reading it. The girl he's with is just silent.

"Who is she by the way?" I asked Nico. It looks like he has no plans of introducing her to me, or he has a plan to, but I started talking.

Nico cleared his throat before introducing her to me. "She's Riley, my girlfriend," he introduced. "Riley, she's Selene," he added.

Ngumiti si Riley sa akin and I smiled back at her. She looks nice and not rude so.

Tumayo ito ng bahagya at nilahad ang kamay sa akin. "It's nice meeting you, Selene. You're more beautiful in person," she complemented me in a soft voice.

In person? Why? Kilala na niya ba ako bago kami magkita? As far as I remember, ngayon ko lang ito nakita at nakilala.

Tinanggap ko ang kamay niya at nakipag kamay.

I glanced at Nico and let out a chuckle.
"Thank you, you too, you're beautiful," I said honestly.

She's naturally beautiful. Halata sa kutis niya na laki sa yaman sa sobrang kinis. Hindi makapal ang make-up niya. Very different sa mga dinadalang babae ni Nico dati sa bahay.

SELENE [BOOK 2]Where stories live. Discover now