Nine

744 25 2
                                    

STEFFI

Sinubukan ko siyang i-text at tawagan dahil gusto ko na sabay kaming kumain ng lunch, pero nakapatay ang cellphone at hindi sumasagot. Kahit na sobrang nagtataka na ako, ipinagwalang bahala ko na lang ulit at pumunta na lang sa food court at kumain mag-isa.

Buong araw siyang walang paramdam, kaya hindi ko na rin inisip na hintayin siya para sabay kaming umuwi. Nag-ayos na ako ng gamit at lumabas ng classroom, pero eksakto naman na pagkalabas ko ay naabutan ko si Ryan na naglalakad na palabas ng building. Mukhang nagmamadali siya at hindi niya rin ako napapansin, kaya sinubukan ko na rin siyang sundan sa kung saan siya pupunta. Hindi ko rin kasi talaga alam kung anong mayroon sa kaniya ngayon, at gusto ko siyang kausapin tungkol doon.

Noong malapit na ako sa kaniya at tatawagin ko na siya, bigla siyang tumakbo papunta sa loob ng gym. Nakakapagtaka, wala naman kasi siyang P.E. ngayon sabi niya sa akin kaya maaga raw ang uwian niya ngayon. Wala rin naman akong alam na game o practice ngayon sa gym, at isa pa, tahimik ang buong gym. Palihim akong sumilip sa gym at wala namang tao doon.

Maliban kay Yana.

Nilapitan siya ni Ryan. So, siya pala ang dahilan kung bakit walang paramdam sa akin si Ryan. Umalis na ako sa gym at pumunta na agad sa parking lot. Uuwi na ako. Hindi ko na kayang sundan pa siya o panoorin silang dalawa.

Ang gulo gulo naman. Kung sila na ulit, bakit ang sweet niya sakin? Bakit hinalikan nya ko? Bakit parang mahal niya ako? Bakit niya pinaramdam sa akin ang lahat nang 'yon kung wala pa rin naman pala ako sa kaniya?

At.. bakit kailangan niya akong balewalain para kay Yana? Akala ko ba naka-move on na siya? Akala ko ba wala na lang? Bakit ganoon? Ano bang mayroon sa kanila? Ano bang pag-uusapan nila? Magbabalikan na kaya sila?

Hindi ko mapigil ang luha ko habang nagmamaneho. Para na namang kinukurot 'yung puso ko. Para na namang binibiyak.

Ryan, sinaktan mo na naman ako.

My Boyish GirlWhere stories live. Discover now