Six

1.4K 37 2
                                    


STEFFI

Paggising ko, agad kong hinanap ang cellphone ko at nakita ko ang maraming missed calls at text messages na lahat ay galing kay Ryan. Hindi naman siya basta basta magsesend ng ganyan kung walang problema, hindi kasi siya 'yung tipo ng tao na makulit sa text or tawag. Halos dalawang linggo na rin kaming di nag-uusap. Ewan ko, nasaktan talaga ako noon sa nangyari nung huli kaming nagkita. Hanggang ngayon, nandito pa rin 'yung sakit dahil sa ginawa niya. Siguro hindi niya alam kung anong dahilan ko kung bakit ganito ako, pero hindi ko naman kayang pigilan 'yung nararamdaman kong sakit. Ibang klase pala talaga 'yung sakit kapag hindi ka naa-appreciate ng taong sobrang espesyal sa'yo.


Agad akong bumangon, naghilamos, nag-tooth brush, nag-shower at mabilis na pumunta sa bahay niya. Hindi ko na pinansin yung text messages niya. Dinelete ko nalang lahat. Mukha kasing emergency kaya dumeretso na lang ako sa bahay niya. Kagaya nga ng sinabi ko, hindi normal na bigla na lang siyang magtetext at tatawag nang ganiyan. Kahit noong hindi kami nag-uusap ay hindi naman siya ganiyan na sunud-sunod at napakarami ng missed calls at messages.


Nagmamadali akong tumawid para makapunta sa bahay niya. Mukhang tulog pa siya dahil tahimik pa ang paligid ng bahay niya. Mukhang hindi pa rin nadidiligan at naaalagaan 'yung mga halaman niya, dahil 'yung iba eh natutuyo na at may tumutubo nang mga damong ligaw. Malamang mapagalitan 'to ng mommy niya, maalaga kasi sa halaman si Tita at talagang mahilig siya sa mga halaman. Minsan nga, natatawa ako kay Ryan dahil kapag tinatamad siyang magdilig o magbunot sa mga halaman at nalaman ni Tita na pinapabayaan niya ang mga halaman nito, napapagalitan siya. Tapos, mag-iinarte siya sa akin at sasabihin niya na mas mahal ng mommy niya ang mga halaman niya kaysa sa kaniya na anak niya. Ang cute cute niyang tignan kapag ganoon siya, ang sarap niyang alagaan at mahalin.


Sinubukan kong kumatok sa pinto para malaman kung gising na ba talaga siya.


"Ryan?" tawag ko sa kaniya habang kumakatok. Tatlong katok pa, pero walang sumasagot. Noong walang sumagot, kinuha ko na 'yung susi sa pinagtataguan nito sa ilalim ng isang paso tapos pumasok na ako sa bahay niya. Sa sobrang tagal na naming magkaibigan, kabisado na naming ang isa't isa. Kahit susi ng bahay namin ay pinagkakatiwala na naming sa isa't isa, kaya naman alam ko kung saan niya tinatago ito. Kung iisipin mo, para na kaming mag-boyfriend, pero wala eh, best friends lang talaga kami. Wala nang pag-asa na maging higit pa doon. Wala nang pag-asa pa na mahalin niya ako.


Tulog na tulog pa siya. Nakahiga sa couch, makalat ang sala, naiwan pang nakabukas ang TV. Puro bukas na chips at walang laman na lata ng beer. Nag-inom si Ryan. Amoy na amoy rin sa hininga niya. Ang lalim ng tulog, lasing na lasing nga talaga. Pero nakakainis kasi sobrang gwapo niya pa rin. Ang tangos ng ilong. Ang haba ng pilikmata. Mapula 'yung labi. Makinis ang mukha. Sinong hindi mapapamahal sa ganiyan? Kahit ilang taon na kaming magkasama, hinding hindi ako magsasawa sa mukha na 'yan. Kahit ilang oras pa, hinding hindi ako mapapagod na titigan 'yan.


Mukhang hindi ko naman siya agad magigising, kaya kumilos na ako at nagsimulang magligpit. Pumunta muna ako sa kusina niya para magpa-init ng tubig na gagamitin sa kape kapag nagising na siya. Pagkatapos, nanguha ako ng trash bag sa cabinet sa kusina. Pagkakuha ko ng trash bag, bumalik na ako sa sala para pulutin ang kalat niya. Isa isa kong pinulot 'yung mga nagkalat na balat ng chips at beer cans, pagkatapos naman, nagwalis at nagpunas. Pagkatapos kong maglinis, sininop ko na 'yung ibang gamit na nakakalat at inilabs yung trash bag.

My Boyish GirlWhere stories live. Discover now