Ten

772 23 0
                                    


STEFFI

7 P.M. na at gutom na ako kaya naman nagluto na ako at kumain. Maya't maya ko ding tinitignan kung nakauwi na si Ryan pero hanggang ngayon wala pa ring bukas na ilaw sa bahay niya. Tinatawagan at tinetext ko rin siya, pero ganoon pa rin, nakapatay ang cellphone. Cannot be reached. Kahit na nalulungkot ako at nasasaktan, nandito pa rin sa akin ang pag-aalala. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Magkasama pa kaya sila? Baka wala na siyang maabutan na jeep pauwi. Hindi siya nagdala ng sasakyan dahil sumabay siya sa akin. Paano kung mahirapan siyang umuwi? Malapit nang mag-last trip ang mga jeep na may biyahe na dadaan malapit sa amin.

***

Ilang oras pa ang lumipas, pero hindi ko pa rin siya matawagan o ma-text. Sarado pa rin ang mga ilaw sa bahay niya at hindi pa rin siya umuuwi. Natapos ko na ang lahat ng school works ko, nalinis ang bahay, pero wala pa ring Ryan na dumarating. Dahil hindi na ako mapakali, lumabas ako at nag-decide na maghintay na lang sa bahay niya. Binuksan ko ang pinto at ang ilaw, tapos umupo na lang ako sa sofa habang hinihintay ko siya. 11 P.M. na, sana naman umuwi na siya. Kahit na gusto ko siyang sunduin o hanapin, hindi ko rin alam kung saan siya pupuntahan dahil hindi ko siya ma-contact. Sobrang nag-aalala na ako. Ano bang ginawa nila ni Yana at inabot siya ng ganito ka-late sa pag-uwi?

***

"Steffi?" Nagising ako dahil may tumatapik sa balikat ko. Nakatulog na pala ako dito sa kakahintay na makauwi siya. Pagtingin ko, si Ryan ang gumigising sa akin. Agad akong bumangon at tinignan ang oras. 1:45 A.M. Inumaga na pala ako sa bahay niya.

"Ry, kakauwi mo lang? Pasensya na, hinihintay kasi kita kaya nagpunta ako rito," agad kong sabi sa kaniya dahil mukhang gulat na gulat siya na makita ako sa bahay niya.

"Oo. Bakit naman hinintay mo pa ako? Sana natulog ka na nang maaga," sabi niya, pagkatapos ay inilapag ang gamit niya at nagpunta na sa kusina. Tumayo agad ako at sumunod sa kaniya.

"Eh, nag-aalala kasi ako. Hindi ka na rin kasi nag-text man lang."

"Ah, oo nga no? Pasensya na, kasama ko kasi si Yana."

Ah, oo nga no? Pasensya na, kasama ko kasi si Yana.

Ang sakit namang pakinggan nun.

"Saan ba kayo galing? Inumaga ka na oh."

"Wala, wag mo na isipin. Tara na, hatid na kita. Matulog ka na."

"Pwedeng dito muna ako? Namiss kita Ry, eh." Dahil naging sweet na siya sa akin, hindi na ako nag-alangan pa na sabihin 'to sa kaniya. Pero wala lang siyang reaksyon. "Pwedeng tumambay muna tayo? Manood tayo ng movies, ganun. Katulad nung dati nating ginagawa."

"Steff, pagod ako eh. Sa susunod na lang ha?"

"Ah, ganun ba. Oh sige," tumayo na ako agad. Aalis na sana ako, pero hinatak ako ni Ryan at niyakap.

"Oh, teka lang. Namiss din kita, eh."

Ano ba, Ryan? Ano ba talagang mayroon? Bakit ka ba ganiyan?

Bumitaw na siya sa yakap at hinawakan na ang kamay ko. "Dito ka na lang matulog. Mangunguha na lang ako ng comforter. Sa sahig na ako matutulog ha?" Umakyat na siya kaagad sa kwarto niya at pagbalik niya, dala na niya 'yung comforter at kumot niya, pati na rin ang mga unan.

"Good night na Steff. Mauna ka nang matulog, magsho-shower lang ako," sabi niya sabay halik sa noo ko. Humiga na ako at sinubukan ko nang matulog.

Maya maya, nagising ako dahil narinig ko na may kausap siya at tumatawa siya. Narinig ko rin ang pangalan ni Yana.

Mukhang masaya silang dalawa habang magkausap.

Ano ba talaga ako sayo, Ryan?

My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon