Twelve

531 18 1
                                    

RYAN

Kung may masakit pa sa napakasakit, ganoon katindi 'yung naramdaman kong sakit sa ginawa sa akin ni Yana. Solid yun.

Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang bumangon kinabukasan kahit sobrang sakit na ng puso ko. Buti na lang, nandoon si Steffi para sa akin. Siya ang umaalalay sakin. Siya 'yung naging buhay ko. Kumbaga, ako yung kotseng laruan, siya yung remote. Di ako gagana pag wala siya. Siya na lang ang nagtutulak sakin na magmove on. Dahil kay Steff, nabuhay ako ulit.

Ilang buwan din akong parang robot na nakaprogram lang sa daily routines ko. Kung sino sino ang nirereto at ipinapakilala nila sakin, pero hinahanap ko pa rin yung mahabang pilikmata ni Yana. Yung mapulang labi niya na mas gumaganda kapag lumalabas yung ngipin niya kapag ngumingiti. Yung mata niyang kumikislap kapag masaya siya. Hinahanap-hanap ko yung tawa niya na sobrang cute. Hinahanap hanap ko si Yana. Para sakin, siya lang. Wala nang iba kundi siya lang.

Pero nagbago lahat yun isang araw. Nakita ko si Steffi sa corridor, tumatakbo dahil late na siya sa klase niya. Katulad nung kay Yana, tumigil din yung mundo ko. Pero this time iba. May kakaibang nangyayari sa puso ko. May isang milyong tambol na pilit kumakabog sa dibdib ko. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Noong araw na yon, may napagtanto ako. May iba kay Steffi. Mayroon siya ng bagay na hindi ko nahanap kanino man, at masaya kong nahanap ko sa kaniya yun.

My Boyish GirlWhere stories live. Discover now