Twenty-two

350 15 0
                                    


STEFFI

Habang patuloy ako sa pag-iyak dahil sa tuwa, niyakap lang ako ni Ryan nang mahigpit. "I'm so sorry I took so long... I'm sorry..." sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko upang mapakalma ako. Niyakap ko lang siya pabalik, mas mahigpit pa. At nung oras na 'yon, sa pagitan ng mga bisig niya, paulit-ulit niyang ibinulong sa akin ang mahal kita at sorry kung nagtagal ako.

Pero nung pagkakataon na 'yon, wala na. Wala na akong ibang naisip pa. Hindi ko na naisip ang sakit, ang galit, ang paglimot sa kaniya. Wala na akong ibang narinig maliban sa boses niya na sinasabing mahal niya ako — sa wakas, mahal niya na ako — at wala nang mas maganda pang salita na tumumbas doon.

Mahal niya ako. May puwesto na ako, sa wakas.

Hindi na ako manonood na lang sa sulok habang masaya siya sa babaeng mahal niya, dahil ngayon, ako na ang mahal niya. Hindi ko na kailangang mahalin siya nang patago, kasi ngayon, sa kaniya na mismo nanggaling na mahal niya ako.

At ang sarap sarap sa pakiramdam na marinig mula sa taong mahal mo na mahal ka rin niya. Sa wakas, naramdaman ko na rin. Hindi na ako ang sidekick. Hindi na ako ang extra. Ako na 'yung bida.

At ang sarap sarap sarap sa pakiramdam.

"I love you too, Ryan. I love you."

My Boyish GirlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz