Two

2.4K 62 10
                                    


RYAN


Naghahanda ako sa kusina dahil naghahanap ako ng mga pwedeng snacks habang naglalaro kami ni Steffi ng bagong video game ko. Matakaw kasi yung babae na 'yun e, minsan nga mas malakas pa siyang kumain kaysa sakin. Hay nako! At dahil nga sobrang kilala na naming ang isa't isa, may stocks na rin ako ng mga paborito niyang pagkain sa ref ko, dahil madalas rin naman siyang pumunta rito. Ayaw niya akong papuntahin sa bahay nila dahil nga makalat daw ako. Sobrang linis at napakasinop niya kasing tao, kaya kahit na may all-around silang house cleaner na pumupunta sa kanila, palagi pa rin siyang naglilinis sa kanila.


*knock knock*


Agad akong tumakbo sa pintuan at natuwa ako nang makita na si Steffi yung nandoon. At katulad ng usual niyang pormahan na t-shirt at shorts habang nakapusod, ayun ulit 'yung ayos niya ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganiyan siya samantalang maganda naman siya, maganda rin ang katawan niya kaya maganda siyang magdala ng mga damit. Simula lang talaga pagkabata, hindi na siya mahilig makipaglaro sa mga babae. Marami siyang mga Barbie at doll houses, pati mga cooking set, pero ayaw niyang nilalaro 'yun sa mga kapwa niya babae, kaya kapag girly toys, mag-isa siyang naglalaro. Ayaw niya raw kasi ng girl friends, maarte raw. Kapag naman lalaki ang kalaro niya noon, sige siya sa takbuhan, patintero, tumbang preso at iba pa. Madalang ko nga siya makitang mag-ten twenty o Chinese garter. Minsan sinasabihan ko siya na mag-bihis ng katulad ng sa ibang babae, pero maiinis siya sa akin. Sinasabihan ko siya na bagay naman sa kaniya at okay lang sa akin na magbihis babae siya dahil nga maganda siya at magaling siyang magdala, pero di siya umiimik at namumula lang. Nahihiya siguro.


Oo nga pala, ako si Ryan Angelo Tan. I'm studying at UP Diliman, BS Mechanical Engineering.


Best friend ko si Steffi, whom I call Steff, dahil parang endearment ko na sa kaniya 'yun. Ako lang ang pwedeng tumawag sa kaniya ng Steff, dahil ayaw niya rin ng pinapaikli pangalan niya.


"Ang ikli na nga ng pangalan ko eh, iiklian pa?" Ganiyan ang madalas niyang reklamo, pero sa tingin ko nasanay na lang siya kaya hinayaan niya akong tawagin siya ng Steff. I've been with Steff ever since we were 8 years old, nagkataon noon na bagong lipat kami sa village nila Steff and then we became playmates. Mas naging close pa kami dahil naging close na rin ang parents naming dalawa, lalo na't parehas na may business. Magkakasama sila sa seminars and events, at noong mga bata pa kami, madalas ring mag-dinner ang pamilya namin nang magkakasama.


To be honest, I had a huge crush on Steff nung mga bata kami, lalo na nung naging classmates kami nung elementary. Sobrang ganda at ang bait, palagi niya akong binibigyan noon ng baon niya kahit na favorite niya pa yung pagkain niya. Palagi rin niya akong sinasamahan, tinuturan, at sinasabayan pumasok at umuwi. Ang talino rin niya, lagi siyang nasa top ten ng klase namin noon mula elementary hanggang nag-high school na kami. Kaso nung high school na kami, kinalimutan ko 'yung feelings ko sa kaniya kasi pakiramdam ko noon wala akong pag-asa. Masiyado siyang malapit sa mga lalaki, at mas marami rin siyang kaibigan na lalaki kaysa babae, at karamihan doon mas gwapo at higit na lamang sa akin. Marami rin siyang manliligaw noong high school. Kaya simula noon, tinigilan ko nang mahulog sa kaniya, total hanggang friends lang kami.


Pero siyempre, hindi maiiwasang lalo siyang gumaganda habang nagdadalaga. Effortless beauty, kung tawagin. Wala kasi siyang arte sa katawan, ni hindi mo makikitaan ng make-up o anumang pampaganda sa bag. Okay na siya sa pulbos lang. At dahil sa kalog at masiyahin niyang personality, mas dumami ang nagkakagusto sa kaniya.


"Hi Ryan! Ano pagkain mo dito?" bungad niya pagpasok sa bahay. Walang atubili na dumeretso siya sa ref, sabay kuha ng paborito niyang Honey Butter chips. "Wow, the best ka talaga! Thank you sa chips!" Isa pang magandang katangian ni Steffi, hindi siya mapili sa pagkain. Magagalit pa sa akin 'yan kapag inaya ko sa mga kainan na mamahalin, o sa hindi unlimited rice ang meal offers.

"Siyempre, para sayo eh! Ano, laro na tayo?"

"Kain muna ako ha? Mukhang bagong grocery ka ha. Hmm, ano pa ba laman nito?" sabi niya habang patuloy siya sa paghahanap ng makakain sa ref ko, kahit kakakuha niya lang ng Honey Butter. Yung popcorn na niluto ko sa microwave, mamaya pa daw kakainin kapag nagsimula na kaming maglaro ng video game. Ilan kaya ang alaga nito sa tiyan niya?

"Ilan ba alaga mong dragon diyan? Hindi ka pa ba nag-aalmusal?

"Ay, kumain na ako. Hehe!"

Inakbayan ko siya at nilapit sakin. "Hay, takaw mo! Meron ka ba?"

"Kapag nakikita kita, nagkakamens ako bigla. Bwisit ka."

"Aysus! Steff nga." mas inilapit ko siya sakin. Nakaakbay pa rin ako sa kaniya eh.

"Bitawan mo ako, hindi ako makakain."

"Gusto mo mabusog?" sabi ko at kinindatan siya. Bakit ba siya namumula? "Hoy Steff. Bakit ka namumula? Mainit ba? Teka lalakasan ko 'yung aircon." Hinawakan niya 'yung kamay ko para pigilan ako.

"W-wag na, Ry. Ayos lang. Tara na, maglaro na tayo ng bago mong game."

"Sure ka?"

"Oo, okay lang ako. Tara na."

"Sabi mo eh. Tara!" Nanguha lang siya ng popcorn at inumin tapos hinawakan ko na yung kamay niya. Pero bigla ko din 'yung nabitawan.

"Hoy Ryan, anong ginagawa mo sa kusina? Kanina pa ako sa sala. Pwede ba."

"A-ah osige. Eto na po, miss." Pumunta na agad ako sa living room. Nakaupo na siya dun eh.


Bakit ganon? Bakit may kuryente? Hindi ko naman nararamdaman sa kaniya to kahit dati. Sanay naman ako na hawakan kamay niya, dahil matagal na kaming magkakilala. Pero ngayon, bakit nag-iba? Bakit bigla na lang tumibok nang malakas yung puso ko? Bakit parang nag-iiba na yung nararamdaman ko kay Steffi?

My Boyish GirlWhere stories live. Discover now