Prologue

8.1K 106 14
                                    



Katulad ng ordinaryong mga kwento ng pag-ibig, mayroon akong ipapakilala sainyo.

Isang prinsipe at isang prinsesa.

Yung prinsesang ipapakilala ko sa inyo, hindi siya yung tipikal na prinsesa na palaging may korona sa ulo, elegante at magarbo yung mga suot na gown. Hindi siya mahinhin, hindi siya yung palaging tahimik sa isang tabi. Yung hilig niya, hindi mga bulaklak at porselana.

Siya yung prinsesa na astig, na matapang, na hindi mo aakalain. Imbis na elegante at magarbong gown, mas komportable siya sa simpleng t-shirt, pantalon, at sneakers. Hindi bulaklak at mga pambabaeng gamit ang pinagkakaabalahan niya kundi mga video games at gawaing karaniwan sa mga kalalakihan.

Hindi siya yung tipikal na prinsesa. Iba siya.

Yung prinsipe naman natin, siya yung tipong pinapangarap ng lahat ng prinsesa. Gwapo, matipuno, matalino – kumbaga, nasa kaniya na lahat ng hahanapin mo sa isang lalaki. Perpekto. Wala ka nang hihilingin pa. Pero alam niyo kung anong mali sa kaniya?

Hindi niya alam na matagal na siyang minamahal ng prinsesa natin. Matagal nang matalik na magkaibigan yung prinsipe at prinsesa natin. Sabay silang lumaki, magkasama sila sa halos lahat. Magkababata, mag-best friend. Pero sa loob ng ilang taon nilang pagkakaibigan, hindi niya napansin kailanman yung prinsesa na handang handa siyang mahalin at saluhin, kahit na gaano pa kasakit ang matagal na paghihintay.

Kung magbabago ba yung prinsesa, makikita na siya ng prinsipe? Mapapansin na kaya siya?

Matututunan ba siyang mahalin ng prinsipe?

Kung babaguhin ng prinsesa yung sarili niya, siya na kaya yung maging reyna sa puso ng prinsipe?

My Boyish GirlWhere stories live. Discover now