Twenty-one

401 14 0
                                    


STEFFI

Good to see you again, Philippines.

Sa totoo lang, nakakamiss rin palang hindi umuwi rito. Gaano man kaikli ang oras na nawala ako, hinahanap hanap ko pa rin 'yung mga bagay na dito ko lang makikita. Kahit na mainit ang panahon at malamig sa US, mas komportable pa rin ako dito. Nothing beats home, ika nga.

Agad ko nang tinawagan sina Mommy at Ninang para ipaalam na nakapaglanding na ang eroplano at pauwi na ako. Mukhang matindi ang jetlag na 'to, ikaw ba naman ang bumiyahe ng 19 hours, ewan ko na lang. Nakakapagod rin pala ang umupo, lalo kung ganoon katagal.

Sumakay na ako ng taxi at dumeretso sa bahay. Sobrang nakakapagod ang biyahe, at napakabigat ng katawan ko. Mukhang matagal ang magiging tulog ko nito. Pagkarating ng taxi sa bahay ay bumaba na ako. Ang una kong nakita, na kahit hindi ko man aminin na isa sa hinanap hanap ko, ay ang bahay na nasa tapat ko ngayon – ang bahay ni Ryan. Hindi ako nagsabi sa kaniyang uuwi na ako dahil hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin. Hindi ko na yata kaya pang saktan ang sarili ko. Alam ko na nakakasakit na rin ako, pero hindi ko na kasi kayang magpanggap na okay ako. Pagod na akong mahalin siya ng patago, at masaktan ng patago. Ayoko na, gusto ko nang maging payapa.

Agad akong pumasok sa bahay at nag-ayos ng bagahe. Pagkatapos kong ayusin ang mga pasalubong at ang mga gamit ko, dumeretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga.

***

Kinabukasan, maaga akong nagising kaya lumabas ako agad at naisipan kong maglakad lakad sa paligid. Nakakamiss rin ang simoy ng hangin dito sa Pilipinas, kahit na mas malamig pa sa US. Naglakad lakad ako at nakasalubong ko ang ilang kapitbahay na kakilala na naming mula pa noon. Nakikipagkwentuhan sila sa akin at nangangamusta, nabalitaan rin pala nila na lumakad ako sa fashion show ni Ninang at nakakatuwa na nagustuhan rin nila 'yun.

Pauwi na ako nang matanaw ko na nagdidilig na ng halaman si Ryan, na isa sa mga routine niya naman talaga tuwing umaga. Alam kong hindi ko na siya matatakasan dahil kahit naman saang kanto pa ako lumiko eh talagang magkikita kami dahil magkatapat lang ang bahay naming dalawa. Kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Papasok na ako ng gate nang tawagin ako ni Ryan.

"Steffi!" tawag niya sa akin, sabay bitaw sa hose na gamit niya at patakbong lumapit sa akin. "Nandito ka na pala, bakit hindi ka nagpasabi? Sana nasundo man lang kita."

"Okay lang naman yun," sagot ko.

"Steffi, pwede ba tayong mag-usap?"

"Magkausap na tayo ngayon."

"Please, Stef." Stef. Ayan na naman tayo sa Stef na 'yan e.

"Ano bang pag-uusapan natin?"

"Tayo."

"Meron ba? Huling pagkakaalam ko kasi, wala naman."

"Stef naman, ano bang nangyari? Bakit bigla mo na lang pinutol lahat? May nagawa ba ako sa'yo?" Oo. Meron. Pinaniwala mo lang naman kasi ako na ako na 'yung mahal mo, pero babalik ka pa rin pala sa kaniya.

"Pasensya ka na naging busy lang ako sa US. Alam mo naman kung gaano naging tutukan pati training ko."

"Busy?" Naririnig ko na sa boses ni Ryan na nag-uumpisa na siyang mairita. Siguro nakakaramdam siya na ayaw ko rin siyang kausap. At mas lalong nakakaramdam siya na hindi naman talaga training ang dahilan. "Ikaw lang yata yung taong busy na may time mang-block sa akin sa lahat ng paraan na pwede kitang makausap."

"Ry, papasok na ako, okay? Mag-aayos pa ako ng gamit."

"Eh, eto? Kailan mo balak ayusin 'tong away na ikaw 'yung nag-umpisa?" Pagalit at naiirita niyang sagot sa akin.

My Boyish GirlWo Geschichten leben. Entdecke jetzt