CHAPTER 3

198 5 0
                                    

I am now sitting inside the conference room. My boss is having a meeting with the board members again to talk about the company's overall business strategy and the expansion investments.

The meeting has been going on for a while, and it is about to end because we have finished talking about everything that was on the agenda.

"Are there any more questions or suggestions?", he asked as he looked at the board members.

"Excuse me, Mr. Lucas. Can I ask something off topic?", one of the board members asked.

"Go ahead.", Sir Lucas said as he nodded his head.

"Do you have a girlfriend? It is much better if the CEO is married. That will benefit the business more.", The question from the board member caught my attention. All the board members nodded and agreed with what Mr. Joaquin said.

"CEOs who are married are more likely to care about social concerns than CEOs who are single and to make decisions that are aggressive and turbulent.", The other board member added.

"Additionally, it is riskier for the investors to negotiate if the CEO is not married. Investors prefer to do so with a married person.", sabat pa nung isa. Lahat sila ay tumingin kay Sir Lucas at nag-iintay sa isasagot nito. Pati tuloy ako nac-curious kung meron ba siyang girlfriend.

He leaned back in the chair and played his pen with his fingers. Walang buhay itong tumingin sa harap at nagsalita.

"Okay. If there's nothing more to discuss, we can end here.", he said, standing up and leaving the conference room.

Naiwan ang mga tao sa loob na nagbubulungan. Ang bastos talaga no'n. Baka wala siyang girlfriend kaya hindi niya masagot 'yong tanong. Well, sino ba ang magkakagusto sa gan'yang klaseng lalaki. Lumabas na rin ang mga tao sa loob at ako nalang naiwang mag-isa.

I gathered all the papers on the long table and left the meeting room. I went straight to my table and placed the papers on the shelves. It is all organized and arranged. I don't want to get into trouble when I look for files or documents.

Haharap na sana ako sa computer ko at magta-trabaho na ulit ng may pumasok na kalokohan sa isip ko. Natawa ako sa sariling kong iniisip.

Kinuha ko ang phone ko at may hinanap na pangalan sa contacts ko.

“Makakabawi na rin ako”, I grinned as I dialed the number.

Nangingiti pa rin akong binaba ang tawag pagkatapos kong kausapin ang taong tinawagan ko. Sinimulan kong kunin at pagpatong-patungin lahat ng papel at saka ito binuhat lahat.

Ang bigat.

Dinala ko ito sa opisina ni Sir Lucas. Binuksan ko ng kaunti ang pintuan at sinilip kung anong ginagawa nito. Seryoso ito at madilim ang mukha habang may kausap sa telepono. Napangiti ako ng palihim at dumeretso sa lamesa niya. Nilapag ko ang lahat ng papel na dala ko at umalis nang hindi nagsasalita.

Natatawa akong naglakad pabalik sa desk ko. Anong akala niya, siya lang ang marunong magtambak ng mga gawain? No, nagkakamali siya. Nakabawi-bawi rin kahit papaano.

Umupo ako sa swivel chair at masayang bumalik sa trabaho ko.

Maya-maya ay nag-ring ang intercom. Agad ko itong sinagot. Magsasalita palang sana ako ay nagsalita na agad ang nasa kabilang linya.

“Cold Water.”, he said in a cold voice and hang up the call.

“Awit! Lamig mo, Sir.”, natatawang sabi ko at tumayo.

Pumunta ako sa pantry, kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng malamig na tubig galing sa water dispenser. Lumabas na ako at dumeretso sa opisina niya.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang madilim na tingin ng lalaking seryosong nakaupo. Imbes na mairita ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kanya.

“Here's your water, Sir.”, I said as I put down the glass of water.

Tinignan ko ito at masama pa rin itong nakatingin sa akin.

“Did you tell Dad what happened earlier in the conference room?”, he asked suspiciously.

“Huh?! Ako po?”, turo ko pa sa sarili ko.

“Ano naman po ang sasabihin ko?”, maang-maangan kong sagot. Pinipigilan ang sarili na matawa.

“How would he know what happened earlier if we were the only ones inside the conference room?”, nanliit ang mga matang tinitigan ako nito.

“Bakit ako po 'yong tinatanong niyo? Kasama rin po natin ang mga Board Members kanina, remember?”, pagtataray ko at otomatikong napataas ang isang kilay ko sa kaniya.

“Are you raising an eyebrow at me?”,lalong nanliit ang mata nito.

“Hindi ba halata?”, napatakip ako ng bibig ng mapalakas ang bulong ko.

“What did you just say?”, nandilim ang matang nakatingin ito sa akin.

Tumikhim ako at ngumiti ng plastik sa harap niya.

“Sabi ko sir, sobrang bait niyo po kanina para i-sumbong ka sa daddy mo hehe..”, napangiwi ako sa sinabi ko. Duh, deserve niyang i-sumbong. Ang sama kasi ng ugali niya.

Sa dami ba naman ng p'wede niyang pagbintangan na nag-sumbong, ako pa talaga? Ako naman talaga pero bakit ako agad 'yong tinanong niya. Hindi ba niya agad naisip 'yong iba naming kasama kanina sa loob ng conference room.

What if narinig niya pala ako kanina noong tinawagan ko ang daddy niya? Hala ka..

Tinapunan ako nito ng tingin at uminom. Pinanood ko lang ito. Bumaba ang tingin ko sa adam's apple niya nung lumunok ito. Napalunok ako sa sarili kong laway at napakurap ng mag-angat ito ng tingin.

“Get out of my sight.”, masungit na saad nito.

Napaayos ako ng tayo at napatango sa kaniya kahit hindi ito nakatingin sa akin. Dali-dali akong lumabas at napasandal sa likod ng pinto ng opisina niya.

“Shit.”, napatakip ako sa mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. What just happened to me? Uminom lang naman siya pero bakit ganito agad 'yong tama sa akin.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Nawalan ako ng balanse at malapit ng bumagsak patalikod ng may brasong pumulupot sa likuran at baywang ko para saluhin ako. Napakapit ako sa balikat nito.

Napalunok ako ng makitang sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Nahigit ko ang aking hininga ng maramdam ang hininga nito sa balat ko.

Napatingin ako sa buong mukha nito. Tinitigan ko ang bawat detalye ng kan'yang mukha mula sa medyo makakapal na kilay nito, may pagka-dark brown na kulay ng mga mata, ang matangos nitong ilong, at lumandas ang tingin ko sa magandang labi nito.

Parang wala ako sa sariling pinaglandas ang daliri ko sa mga labi nito. Napakalambot ng mapulang labi nito.

“Are you done staring?”, I was startled when he spoke.

Para akong nabalik sa ulirat at dali-daling umayos ng pagkakatayo. Inayos din nito ang kan'yang sarili at nagusot na damit nito. Nahihiya akong tumingin sa kanya at nagsalita.

“Uhm.. S-sir.”, nagpuputol-putol akong nagsasalita, hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Hindi ko na alam.

Tinalikuran ako nito at walang sabi-sabing naglakad papasok sa elavator. Naiwan akong nakatulala sa direksyon na pinanggalingan nito.

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Napakalakas ng kabog nito na para bang gustong kumawala.

“What happened to me?”, huminga ako ng malalim at inayos ang sarili.

Ang sakit mo. Umalis ka na wala manlang sinabi kahit ano.

Hindi ko alam pero nasaktan ako sa katotohanang umalis siya nang hindi nagsasalita. What did I expect him to say?

“Hindi tama 'to, naguguluhan lang ako.”, I said and went back to my work. Niloloko lang siguro ako ng sarili ko. Siguro pinapagulo lang nito ang utak at nararamdaman ko. Hindi ko p'wedeng maramdaman 'to.

Hindi p'wede.

______________________________________

next chap!

AT MY LOWEST ( Ongoing )Where stories live. Discover now