CHAPTER 9

226 8 3
                                    

Nasa loob ako ngayon ng office ni Lucas to remind him of his appointments and schedules. He was just busy tapping on his laptop while listening to me.

“Is that all?”, he asked.

“Yes, sir! And I'll remind you again regarding the private event you have to attend this coming weekend. I've already given you the invitation they sent to me yesterday.”, napaangat ang tingin nito at medyo nakakunot ang noo.

“What time?”, tanong nito.

“6pm, sir.”, hindi niya ba binasa pa 'yung invitation.

“Make an excuse and tell them I can't attend that event.”, sabi nito at binalik ang atensyon sa ginagawa.

“Kabilin-bilinan po ni Sir Nicolas na kailangan niyo raw po pumunta sa event na 'yan.”, sagot ko naman sa kaniya.

“You will be my partner, then.”, kaswal na wika nito.

“Sir, I can't. Baka may makakitang iba sa atin.”, nag-iisip ba siya?!

“So?”, tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng isang kilay.

“So what If they see us together?”, dagdag pa nito.

“Bu—”, he cut me off.

“No buts, hon. You'll be my partner on that event as my wife, not my secretary.”, madiin na wika nito.

“I don't care what will they say about us. Besides, It is a private event, and only businessmen and women are invited.”, paninigurado nito.

Sa totoo lang kinakabahan ako, kasi karamihan sa kanila alam na sekretarya niya lang ako. Baka kung ano pa ang isipin nila sa akin. Baka magtaka sila na kung paanong naging ako 'yung asawa ni Lucas. Hindi ko alam kung paano haharap sa kanila.

Hinawakan nito ang kamay ko noong hindi ako nagsalita at pinakatitigan ako.

“Don't worry, you have me by your side”, he assured me as he caressed my hand.

“I'm always by your side.”, napatango nalang ako sa kaniya.

Kahit papaano naman ay nawala ang kaba ko. Pero sa maghapon ay hindi pa rin maiwasang sumagi sa isip ko ang event na 'yon. Dapat pala hindi ko na pinilit pero baka ako naman ang mawalan ng trabaho, 'di ba.

Nakahiga ako ngayon sa kama at nagi-scroll sa phone ko habang nagpapahinga. Busy pa rin si Lucas sa ginagawa niya. Bukod sa laptop niya, marami pang papel na nakapatong sa study desk. Kahit nasa condo na siya, dinala pa rin niya ang mga kailangang dokumento sa trabaho.

He's such a workaholic.

Napabangon ako ng may marinig akong doorbell. Tatayo na sana si Lucas nang marinig ito pero sabi ko sa kaniya ay ako na para hindi na siya ma-disturbo sa ginagawa niya. Kunot-noo akong naglakad papunta sa pinto, nagtataka kung sino pa ang pupunta sa ganitong oras.

Sinilip ko sa peephole kung sino 'yon at nataranta ako sa oras na nakita ko kung sino ang nasa labas. Dali-dali akong bumalik sa kwarto at hinila si Lucas.

“Magtago ka. Magtago ka, plss.”, paulit ulit na sabi ko habang tinulungan siyang tumayo at humahanap ng tamang lugar na p'wede niyang pagtaguan.

Kahit na hindi alam ang nangyayari ay kunot noo namang sumunod sa akin si Lucas.

“Why do I have to hide?”, hindi na'to nakatiis at huminto para tanungin ako.

“Need mo magtago. Nand'yan si louise sa labas. Bilisan mo na kasi.”, naiinis na natatarantang wika ko.

“D'yan ka nalang sa closet.”, dali-dali ko siyang hinatak papasok sa closet.

“Huwag kang maingay d'yan ah, yari ka sa'kin.”, pagbabanta ko at sinarado na ang closet, hindi na inintay ang sagot niya.

AT MY LOWEST ( Ongoing )Where stories live. Discover now