CHAPTER 15

355 4 9
                                    

Nasa restaurant ako ngayon kausap ang isa sa mga client ng kompanya. Actually, this meeting wasn’t on the schedule today, but nakiusap ang kliyente kung p‘wede isingit ito sa schedule namin ngayon dahil aalis daw ito ng bansa this week and will stay there for weeks. Since Lucas wasn’t able to attend due to his full schedule today, ako nalang ang nagpunta.

“Done.”, he handed me the contract right after he signed it.

“Thank you sa pagsingit ng meeting na ito sa schedule niyo.”, he said, smiling at me.

“Thank you rin po, Mr. Reyes!”, I smiled back at him.

Tumayo ito nang maayos at nakipagkamay. Pagkatapos ng meeting ay umalis na rin ako. Pagkarating sa parking ng kumpanya ay nagmamadali akong bumaba ng sasakyan dahil marami pa akong gagawin at excited na rin akong sabihin kay Lucas na maganda ang napag-usapan namin nung client at pumirma agad ito ng contract.

Pumasok agad ako sa elevator, bigla itong bumukas sa floor ng marketing department at nakita ko si Louise papasok din sa loob ng elevator.

“Hoy! ikaw pala ‘yan.”, wika nito nang makita ako at pumasok na.

“Hindi, guni-guni mo lang..”, sarkastikong sagot ko.

“Saan ka ba galing?”, she asked.

“May mineet na client. Why?”

“Nako, bad mood si Sir Lucas ngayon..”, pagk-kwento nito.

Agad namang napakunot ang noo ko sa narinig ko. Maayos pa naman siya kanina noong umalis ako.

“Ha? Bakit?”, I curiously asked.

“Pinatawag ‘yung Production Team kasi raw may palpak na ginawa.”, sagot ni Louise.

“Paano mo nalaman?”, minsan napapatanong nalang ako kung sino ba talaga sa amin ni Louise ang secretary. Mas alam niya pa ‘yung mga ganap kaysa sa akin.

“Sinabi lang din sa akin.”, sagot niya habang dino-double check ang hawak na folder.

“Chismosa.”, wika ko na ikinatangin nito sa akin.

“Hoy, excuse me! hindi ako chismosa tsaka kasalanan ko bang chismis ang mismong lumalapit sa akin?!”, napairap pa ito na ikinatawa ko.

“Sige, tumawa ka pa. Mamaya badtrip ka na rin kasi ikaw ang mapagb-buntungan ni Sir Lucas..”, wika nito na ikinangiti ko sa kaniya.

“Subukan niya lang.”, matagal na suyuan ang mangyayari kapag ako ang binadtrip niya.

“Oh, sige na.. Mauna na’ko at marami pa akong gagawin.”, wika nito at nagmamadaling lumabas ng elevator noong bumukas ito.

Tumango lang ako at naghintay hanggang makarating sa floor ko. Paglabas ko palang ng elevator ay napapitlag agad ako nang makarinig ng malakas na ingay na nagmu-mula sa loob ng office ni Lucas. Napahawak ako sa dibdib ko nang bumigat ang paghinga ko. Sinubukan kong maglakad palapit sa pinto ng office niya at nangangatog ang kamay na binuksan ito ng maliit.

Sinilip ko kung ano ang nangyayari sa loob ngunit agad din akong napaiwas at mariing napapikit noong inihagis nito ang folder na hawak sa harapan ng mga kausap niya na parang tila ba’y sa akin ito tatama. Kahit balot ng kaba at takot ang dibdib ko ay pinilit ko pa ring buksan ang mga mata ko. Hindi nila ako napapansin mula sa loob dahil maliit lang naman ang bukas ng pinto, sapat na para makita ko ang nangyayari sa kanila.

Sinulyapan ko ang mukha ni Lucas, madilim ang awra ng mukha niya at kitang-kita ang galit sa mga mata nito. This is my first time seeing him so mad. When something happened between him and Mr. Montejo before, he was mad, but he still managed to contain his anger that time, unlike now. Namumula ang mukha niya sa sobrang galit. So, this is how mad he can be when it comes to work that he never showed me?

When we weren’t on a deal. When we weren’t in a fake marriage, I always got irritated with him because of how he treated me before, but I understand why he was doing it to me. He just wants everything to be perfect. But this side of him was never shown to me. Oo, sinusungitan niya ako or what, but after that, he just told me to re-do it again when he didn’t like what I did. He was just going to tell me na baguhin or ayusin ulit kapag may palpak akong ginawa.

AT MY LOWEST ( Ongoing )Where stories live. Discover now