CHAPTER 5

217 3 0
                                    

Narito ako ngayon sa loob ng isang restaurant. Kumakain kasama ang mga girls dahil nagka-ayaan na lumabas ngayong weekend para naman daw makapag-bonding kami dahil minsan nalang kami magkita-kita at makumpleto.

"Hey, Girls! Alam niyo ba?", I put down the glass I was holding when Nicole spoke.

" What?", Louise immediately responded to her. I looked at her and spoke.

"Chismosa.", I said, making them laugh.

"Si Louise pa ba?", natatawang sabi ni Astrid.

"Malamang chika 'yan eh", taas noong sagot ni Louise. Mahina itong hinampas ni Amory sa balikat habang natatawa.

"So, Guys! I saw barney.", maarteng pagk-kwento ni Nics at napairap pa.

"Oh! Ano? mukha pa rin bang dugyot?", natawa kami kay louise dahil sa masyado nitong pasmado na bibig. Siraulo talaga!

"Napakasama talaga ng ugali nito.", natatawang itinuro pa ni Amory si Louise.

"Pero totoo, mukha pa rin siyang jejemon.", napahalakhak pa si Nics habang kumakain.

"Hoy! ang laitera niyo.", natatawang sabat ni Amory.

"Huwag na tayo mag-plastikan dito! Lahat tayo laitera.", sagot ni Louise. Hindi naman, slight lang!

"Hey! hindi tayo laitera, dine-describe lang natin sila.", sabat ko naman. Totoo naman kasi, dine-describe lang naman talaga namin sila.

"Tama. Tsaka jejemon naman talaga 'yon noon pa. Ikaw ba naman magsuot ng violet na shirt na may green dots tsaka violet na pants, ewan ko lang kung hindi ka mag-mukhang si barney talaga.", dagdag pa ni Astrid habang hinihiwa ang steak niya.

Natawa tuloy ako dahil pinaalala niya pa kung bakit naging barney ang code name ng klasmeyt namin na 'yon kapag nag-uusap kami.

"Favorite niya 'ata kasi si barney, ano ka ba.", natatawang dagdag pa ni Louise at sumubo.

"Pero alam niyo, ang sama pa rin niya makatingin.", nakakunot noong pagk-kwento ni Nicole.

"Dapat tinarayan mo.", pagkakasabi ni Louise at dinuro pa 'yong tinidor na hawak niya kay Nicole.

"Duh! Papatalo ba ako sa drawing ang kilay?!", tumaas ang kilay ni Nicole sabay umirap sa hangin na ikinatawa naman namin. Nagsisimula na naman sila sa kamalditahan nila.

"Ang sama naman talaga no'n tumingin sa atin kahit wala tayong ginagawa sa kanya.", singit ni Amory at uminom ng juice.

"Gano'n talaga kapag may inggit sa katawan.", tamad na sagot ni Louise at sumandal sa pagkakaupo niya.

"Maganda kasi tayo.", Amory said as she flipped her hair.

"Yes, of course!", sang-ayon naman ni Louise at nag-apir pa silang dalawa.

"Papansin lang naman 'yong bida bida na 'yon.", sabat ni Astrid.

"Wala namang pumapansin.", natatawang sagot ni Louise.

Patuloy lang kami sa pagch-chikahan at pagtatawanan habang kumakain. Umalis din kami sa restaurant pagkatapos at pumunta sa bahay ni Amory dahil doon nagka-ayaan na mag-inuman.

Nag-uusap kami sa mga ganap sa buhay ng isa't isa. Natanong ko naman kay Louise nung maalala ko 'yong nangyari kahapon at kinuwento naman nito. Nagtawanan kami sa reaksyon niya nang-asarin ito ni Nicole.

"Yuckk!", umakto pa ito na tila nasusuka.

"Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo?", nandidiri ang mukha nito.

Lalo pa kaming nagtawanan noong ikatok pa nito ang kamay sa lamesa.

"Katok natin baka magkatotoo.", natawa rin ito sa mga pinag-gagawa niya.

AT MY LOWEST ( Ongoing )Where stories live. Discover now