CHAPTER 10

217 6 0
                                    


Ilang araw na ang nakalipas ay ilang araw ko na rin hindi pinapansin si Lucas. Nag-uusap kami pero kapag hindi na involve ang trabaho ay hindi ko na ito kinakausap. Nainis ako sa ginawa niyang pagtawag kay Sir Czek at pagsabi sa kaibigan niya na nasa condo ko si Louise.

Ilang beses niya akong sinubukan kausapin pero lagi ko lang itong tinatalikuran tulad ng ginagawa niya sa akin. Ano siya ngayon? Akala niya siya lang marunong gumawa no'n. Ngayon alam na niya ang pakiramdam ko tuwing ako ang tinatalikuran niya.

“Nakakuha na raw si Mom ng mag-aayos at isu-suot natin sa event.”, wika nito pagpasok ko sa office niya. Tumango lang ako bilang sagot at inilapag ang files na dala ko sa table niya.

“You've been ignoring me for days now.”, napatigil ako at napatingin sa kaniya.

Inayos ko ang pagkakatayo ko at nagsalita.
“If you need anything, just give me a ring on the intercom.”, tatalikuran ko na sana ito nang biglang hawakan nito ang kamay ko. Agad akong napalingon sa kaniya.

“What?”, kunot-noo kong tanong.

Pinakatitigan ako nito nang mariin. Bumukas ang labi nito ngunit walang salita ang namutawi mula roon. Tinapunan ko ito ng tingin at aalisin na sana ang kamay mula sa pagkakahawak niya sa akin nang mas lalong humigpit ito.

I took a deep breath and closed my eyes tightly. Lumunok ako tsaka dumilat at tinitigan ito.

“If you don't say anything else, I'll leave.”, wika ko ngunit patuloy pa rin nakahawak ang kamay nito sa akin.

“I'm sorry.”, he sincerely said.

I looked into his eyes. Hindi ko pinansin ang paglambot ng mga mata nitong nakatitig sa akin. Nanatili lang itong nakatingin sa akin, naghihintay sa isasagot ko.

“Okay.”, I just said and went back to work.

Nauna akong umuwi sa kaniya pagkatapos ng work hours. Hindi naman talaga kami sabay unuuwi dahil magkaiba ang sasakyan na ginagamit namin. Mainam na rin 'yon para walang makahalata sa amin.
 
I went to the kitchen and took some chocolates from the refrigerator. I love sweets, like chocolates or something sweet kaya halos laman ng ref ko ay ang mga ito. It's my way of coping with stress, eating sweets. Nai-stress kasi ako sa lalaking 'yon.

Nagsimula na rin ako magluto ng hapunan. Habang hinihintay maluto ang ulam ay napatingin ako sa cellphone ko at tinignan kung anong oras na. Napakunot ang noo ko noong makita na mag-aalas syete na pero hindi pa rin ito dumarating.

“Saan kaya nagpunta 'yon?”, tanong ko sa sarili ko. “Baka dumaan sa bahay nila.”, sagot ko nalang sa sarili ko.

Tinuloy ko na ang ginagawa ko at naghain ng pagkain na para sa akin lang. Wala naman siya kaya hindi na ako naghain na pang-dalawa. Paupo na sana ako at magsisimulang kumain noong marinig kong bumukas ang pinto. Sumilip ako, dumating na pala si Lucas.

Agad akong umiwas ng tingin noong nahagip ng mga mata niya ang kinaroroonan ko. Tumalikod ako at nag-isip kung paghahain ko rin siya pero umupo nalang ako sa upuan at nagsimula na kumain.

“Won't you invite me to eat?”, tanong nito pagkapasok sa kusina. Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang ako sa pagkain.

“Malay ko ba kung kumain kana.”, kaswal na sagot ko.

“Hindi pa.”, sagot nito.

“Okay.”, maikling sagot ko.

Nakatayo pa rin ito sa gilid ko at parang naghihintay sa akin. Nilingon ko na ito at tinaasan ng isang kilay.

“Hindi mo ba ako ipaghahain katulad ng lagi mong ginagawa?”, he asked.

“May kamay ka, kaya mo na 'yan.”, I said as I left the table. I also put the plate in the sink and cleaned it. After that, I left the kitchen and entered my room, ignoring him.

AT MY LOWEST ( Ongoing )Where stories live. Discover now