Kabanata 1

844 22 0
                                    

______________________________________

Esme Perez
______________________________________


"NANANAGINIP ba ako?"- tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha at katawan ko sa malaking salamin.

Nakaroba ako ng itim at walang suot na damit sa loob. Bigla ata akong tumangkad at nagkalaman ang katawan ko. Ang morena kong kutis ay naging maputi. At ang m-mukha ko...

Naging lalaki ako?!

Mas lumapit ako sa salamin at pinagmasdang maigi ang mukha ko. Makinis na mukha, matangos na ilong, mapulang mga labi, matigas na panga, makapal na kilay, mahabang pilikmata at kayumangging mga mata.

YAWA.

Napanganga ako sa mukhang tinititigan ko.

ANG GWAPO!

Pero sino to? Ba't hindi ko makita sarili ko?

Huwag mong sabihing.....

Hindi...

Hindi ito...

Hindi to pwede...

Dali-dali kong tinanggal ang pagkakatali ng roba ko at napasigaw na lamang ng may nakabitin na ano sa pagitan ng paa ko.

"WAAAAHHHH?!"- napatigil ako sa pagsigaw ng mapansing malalim ang boses ko.

Napahawak ako sa aking lalamunan at palipat lipat ang tingin ko sa baba at salamain.

"AAAAHHHHHHHH!"- patuloy kong sigaw habang hinahaplos ang dibdib kong matigas, ang braso kong medyo may muscle at hita kong mabuhok.

"AHHHHHHHH WAAAAHHHHH!"

Di naman kaya nananaginip ako? Nananaginip ata ako. Tama.

Tinigil ko ang pagsigaw at kinurot ko ang pisngi. Nang hindi gumana ay sinampal ko ang pisngi ko ng ilang beses. Pero kahit anong gawin ko ay mas lalo akong nasasaktan.

Nanginginig akong napalingon muli sa salamin at nang makita muli ang mukha ng isang lalaki ay muli akong naghisterical.

"Señior Yael, anong nangyayari?"- napatigil ako ng may isang lalakeng biglang pumasok sa kwarto.

Matangkad, naka suot ng formal na damit; puting long sleeve, black na slacks, coat, itim na sapatos at puting guwantes. Nakapusod ang mahabang itim na buhok, may balbas at nasa edad na apatnapung taong gulang.

"S-sino ka?"- tanong ko at tinali ang roba'ng suot ko.

Nagtataka itong nilibot ang paningin sa buong kwarto bago napaayos ng tayo at nalilitong nilingon ako.

"A-anong ibig mong sabihin ginoo? Ako po ito. Ang iyong mayordomo (butler)."- tugon niya at dinala ang palad sa kaniyang dibdib bilang paggalang.

"H-ha? Mayordomo? I-ikaw? Ako?"- turo ko sa kaniya at sarili ko.

Nanatili ang nagtataka niyang mukha habang hindi mawari kung ano ang pinagsasabi ko. Matapos niya akong titigan ng ilang segundo ay tumalikod siya at napahawak sa kaniyang baba.

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now