Epilogo

470 16 4
                                    

______________________________________

Esme Perez
______________________________________


"ANG ganda po ng story niyo!"- compliment ng sumunod na fan ko.

"Maraming salamat!"- ngiti ko at pinirmahan ang libro ko.

"Kakaiba po yung story niyo, hindi ko aakalain na mahu-hook ako sa ganitong genre."- dagdag pa niya na mas lalong kinatuwa ko.

"Kung ganun, anong pinaka paborito mong parte ng kwento?"- curious kong tanong at pinagsalikop ang kamay ko na nakadantay sa lamesa.

Abala ang lahat sa paligid ko. Madami ngayong tao ang nakapila habang hindi magkandaugaga sa pagpirma ang mga katabi kong manunulat ding tulad ko.

Bagama't nakakapagod ay masaya ako sa ginagawa ko. Matagal ko ng pangarap to. Ang maging isang manunulat at makausap ang mga taong sumusuporta sa akin.

"Hala! Madami po! Pero kung ako papipiliin..."- napaisip ito. "Yung last part po talaga ng kwento ang pinakagusto ko! Dahil dun ko po napagtanto kung gaano nila pinapahalagahan yung bida!"- paliwanag niya.

Napangiti naman ako sa narinig ng maalala yun.

"Talaga? Mabuti kung ganun."- magaan ang loob kong komento.

"Ah, ikaw po? Anong pinaka paboritong parte ng kwento mo ang nagustuhan mo?"- tanong niya bigla na kinagulat ko.

"Mahirap na tanong yan."- komento ko kaya natawa siya.

Ngayon lang ata ako natanong ng ganun.

"Mhmm...pinaka paborito...siguro yun yung naranasan ko din ang naranasan ng bida sa kwento."- makahulugan kong sabi.

Nangunot ang nuo nito sa taka.

"P-po?"- naguguluhan niyang bulalas.

"Ah, miss. Pasensya na pero tapos na yung oras mo."- singit ng isa sa mga staff kaya naman nag sorry ito at nagpaalam na.

"Hi!"- bati ko naman sa sumunod.

Natigilan ako saglit ng mapansin ang babaeng nasa harapan ko. Medyo may katandaan. Nasa early 50's ata. Matangkad, mahaba ang itim na buhok, at higit sa lahat maganda.

"Hello. Congratulations on your book."- tipid niyang ngiti at inabot ang libro sakin.

"Thank you!"- tugon ko at pinirmahan yun.

"Your story is amazing. I hope you can make another one like this."- wika niya ng tanggapin sakin yung libro.

"Ah...h-hindi ko nga alam kung makakagawa pa ako niyan."- pag-amin ko at napakamot.

"Why not? I thought you enjoyed it?"- ngiti niya na ikinagulat ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"- taka kong tanong.

"I heard there will be another season."- makahulugan niyang sabi.

Natigilan ako sa narinig.

"A-anong season?"- naguguluhan kong tanong. "Ito bang libro ko? Sa tingin hindi ko, hindi na kailangan pang lagyan ng season 2 tong kwento kase ganito natapos ang kwento."- paliwanag ko.

"That's not what I'm talking about."- ngiti nito.

Bakit pakiramdam ko pamilyar ang boses niya? Saan ko ba narinig ang boses na to?

"I heard the novel entitled The Greatest Magic User will be having a season 3. That's what I meant."- kumindat siya at nagpaalam na.

Sa gulat ay agad akong napatayo.

"T-teka..."- pigil ko dito ngunit hindi niya ata ako narinig dahil nagpatuloy ito sa paglalakad.

"Excuse me. Mag c-cr lang ako saglit."- paalam ko at dali-daling hinabol ang matandang babae.

Huwag mong sabihing siya yung babaeng nakausap ko nung namatay ako sa libro? Kaboses niya yung parang robot na nagsasalita sa kawalan.

"Teka!"- hinablot ko ang kamay nito para pigilan siya.

Nasa labas kami ngayon ng building, sa gilid ng kalsada. Medyo makulimlim ang kalangitan dahilan para maraming tao ang nagmamadaling naglalakad huwag lang maabutan ng ulan.

Hinihingal akong napaayos ng tayo.

"Anong ibig mong sabihin? A-akala ko ba tapos na ang kwento?"- nagtataka kong tanong ng maalala ang nabasa kong libro.

"Is it? The author told me he'll be writing the season 3."- kibit-balikat niyang tugon.

Nanindig ang balahibo ko sa narinig. Sumabay pa ang malakas na pag-ihip ng malamig na hangin at ang kumukulog na kalangitan.

"Paano mo nalaman? Kilala mo ba ang author ng librong yun?"- naguguluhan kong dagdag.

"That's a secret. Well, I just came by to inform you that. You did a great job narrating your adventure."- ngisi niya at tumalikod na.

"K-kung ganun, maaari ba akong bumalik muli?"- sigaw ko habang papalayo siya.

Bagama't madami ang tao sa paligid ko ay nasa kaniya lamang ang atensyon ko.

"That depends on the author. You may not know, but I'm sure you miss them. Just wait for the announcement!"- pabalik niya ding sigaw habang nakangiti.

"Haa..haa...haa..."- napabuga ako ng hangin at pinagmasdan siyang makalayo.

Napangiti ako at napahawak sa dibdib kong mabilis ang tibok. Ngayon ko na naman naramdaman to matapos ang mahigit na isang taong pagbalik ko dito.

Babalik ako. Hintayin niyo ako dahil babalikan ko kayo.

______________________________________

~ THE END ~
______________________________________





~ vis-beyan28
MelancholyMe






Date ended: July 6, 2023
Update ended: July 10, 2023


______________________________________

Thanks for reading everyone! It means so much to me! Love you all! See you again on my another story!

~ J

______________________________________

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon