Kabanata 34

179 10 0
                                    

______________________________________

Caden Larson
______________________________________


"HINDI ka pwede dito! Pumasok ka na!"- sigaw ng isang guro ng makita nilang ako na lang ang natira.

Lahat sila panay ang sugod at pakawala ng mahika sa higante ngunit hindi naman tumatalab kahit anong gawin nila.

Ito nga ang hinahanap kong kalaban. Malapit lang sa lebel ko ang lakas nito.

Napangisi ako at lumipad sa ere. Habang tumataas ang lipad ko ay bumuo ako ng mahika sa magkabilang kamay ko.

"*Grrrrrwwaaaarrrr!*"- sigaw nito ng mapansin ako.

Dali-dali itong lumapit sakin at akmang huhulihin gamit ang kamay niya nang pinakawalan ko ang aking mahika at magkasunod na tumama iyon sa kaniyang mukha.

Napailing ang higante dahil sa usok na lumikha at napaatras ng ilang hakbang.

"Gawin mong intiresante ang laban na to higante!"- ngisi ko habang sunod-sunod na pinaulanan ito ng mahika ko.

"*Grrrrraawwrrr!"- asik nito ng mapaso ang balat sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan.

"*Graawwr!*"- inis na angil nito at tumakbo patungo sa mga puno.

Dumukot ito ng dalawa at pinaghahampas ang mga tao sa baba na parang nag hihisterical.

"Nandito ang kalaban mo! Ang atensyon mo ay dapat nasa akin!"- sigaw ko at nagpakawala ng malalakas na pwersang humahampas sa higante gamit ang kapangyarihan ko.

Napasigaw ito ng sunod-sunod na tumama ito sa kaniyang mukha kaya napangisi ako.

"Isa pa!"- ngisi ko at muling nagpakawala ng mahika ngunit natigil niya ito ng itaas nito ang dalawang kamay para gawing panangga.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito na tila'y galit na galit.

"*Graaawwwrrr!*"- sigaw nito dahilan para mahawi pa ang ilang mga dahon at puno.

Napaatras at tumilapon ang mga ilan sa baba samantala napaatras ako ng lipad.

Muntik na akong tumama sa pader ng kastilyo ngunit ginamit ko ang aking mahika para gumawa ng pader kaya dun ako tumama. Hindi pa man din ako nakakahulma ay may tumama saking kamay dahilan para bumulusok ako sa lupa at nagpagulong-gulong.

"Ha...haha."- napangisi ako at napapunas sa labi kong dumudugo.

"Aagggghhh!"- napasigaw ang mga guro nang sipain ng higante ang lupa dahilan para yumanig ito at masira.

Agad akong tumayo at kinontrol ang mga lupang nabitak-bitak at mga bato.

Nang nailagay ko sila sa ere ay agad akong lumipad din ng mataas, mas mataas pa sa laki ng higante at sinama ang mga bato at lupa.

"Hoy mahinang nilalang! Lumingon ka sa taas!"- sigaw ko at tinaas ang dalawang kamay sa ere.

Naglabas ako ng malaking mahika at inihawi ang kamay ko pababa dahilan para sunod-sunod ang pagbagsak ng mga bato at lupa sa higante.

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now