Kabanata 10

295 15 1
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"PUWAAAAAHHH!"- napaigtad ako at agad na napaupo upang makakuha ng hangin.

"Ha...ha...ha..."- hinihingal kong saad at hinawi ang buhok ko.

Pakiramdam ko may bumuhos sa akin ng tubig.

"Nasan ako?"- tanong ko ngunit kumalma din ng makita si silas sa likuran ko kasama ang agila na nasa ere.

"Mabuti't gising ka na."- saad niya.

"Kailangan bang buhusan mo ako ng tubig?"- irap ko atsaka tumayo.

"Anong nangyari?"- tanong ko.

"Nang mawala ang siklab ng apoy sayong katawan ay bigla kang nawalan ng malay. Mukhang maayos ka na. Ang iyong mata ay hindi na kulay pula."- paliwanag niya at pinulot ang espada niya.

"Ha? Kulay pula?"- taka kong tanong at hinawakan ang talukip ng mata ko.

"Senyales yun na natanggap mo na ang iyong kapangyarihan."- singit ng agila na walang gana na naman ang mukha.

"Magpapalit lamang ang kulay ng iyong mata kung gagamitin mo ang iyong kapangyarihan."- dagdag pa niya atsaka nag iwas ng tingin.

Kung ganon, apoy ang naibigay na kapangyarihan ko?

Napatingin ako sa dalawang palad ko. Mabuti't hindi nasunog ang katawan ko.

"Mag gagabi na. Kailangan na nating umalis bago pa dumami ang mga nilalang na pagala-gala."- paalala ni silas na mabilis kong tinanguan.

"Saglit lamang. At ikaw? Mananatili ka na lamang ba dito?"- tanong ko sa agila na nagulat saking tanong.

"Aalis ako kapag gusto ko, mababang nilalang."- irap niya atsaka lumipad na paalis.

"Tsk. Kahit kailan talaga ang agilang yun napaka masungit."- ismid ko at nagsimula na kaming maglakad ni silas.

"Huwag kang mag-alala, sinabi niya sakin kanina na bago siya umalis sa lugar na ito ay may gagawin muna daw siyang nararapat para sa kagubatang ito."- imporma niya na kinagulat ko.

"Ay bahala siya. Wala naman akong pake kung anong gagawin niya. Sino ba naman ako, isang mababang nilalang lamang. Pero teka..."- tumigil ako at hinarap siya.

"At bakit hindi mo na ako ginagalang? Nasan na ang pagsabi mo ng señior sa akin?"- reklamo ko.

Umirap ito na kinagulat ko.

"Nagsinungaling ka sakin. Sinabi mong may ililigtas kang nilalang ngunit iba pala ang pakay mo. Gusto mo palang magkaroon ng kapangyarihan."- dismayado siyang napailing.

Nagugulat akong napaatras ng makita ang reaksyon niya.

"Kung sinabi ko ba ang totoo, sasama ka?"- taray ko.

Umiling naman ito.

Napa tsk na lang ako at tinalikuran siya. Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad.

How To Be The Villain (Complete)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें