Kabanata 32

198 10 0
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________

TATLONG araw na ang nakakalipas. Nakabalik na ako sa silid ko at maaari na akong pumasok ng klase bukas.

Sa tatlong araw na nakakulong ako, nag-iimbestiga ang ginawa ko ngunit...

"Ni wala man lang akong nasagap na mahalagang impormasyon."- dismayadong saad ko habang hila-hila ang buhok ko.

"Ibig sabihin lang nun ay walang alam si zamir, kohen at emma sa pinaggagawa ni odell. Kung ganun, sino ang pinuno niya? Kanino siya nagtatrabaho? Waaahhhh!"- nababaliw akong napasigaw.

Sana pala nagpuyat na lang ako ng gabing yun at binasa ng buo ang season 2. Hindi sana ako naghihirap ng ganito. Malaya na sana akong nagbabakasyon sa iba't-ibang lugar at ginagawa lahat ng gusto ko.

"*Tok!* *Tok!*"

Nanghihina akong napatayo atsaka binuksan ang pintuan ko.

Bumungad sakin ang nakasimangot na mukha ni caden at maki. Samantala ay nasa likuran nila si silas at vaughn.

"Anong ginagawa niyo dito?"- tanong ko.

"Papasukin mo muna kami pwede?"- sungit ni caden at tinulak ako.

Nagpasya na silang pumasok kahit na wala pa akong sinasabi.

"Zuku!"- masayang binuhat ni vaughn si zuku na kanina ay tulog.

"Maayos na ang iyong pakiramdam, vaughn?"- baling ko sa kaniya at pinagmasdan siya.

"Mabuti na ang aking pakiramdam. Maraming salamat din sayo yael at tinulungan mo kami."- thumbs up pa niya.

"Anong nangyari pala sa plano?"- tanong ko ng maalala yun at naupo saking kama.

Naupo si vaughn sa study table ko habang nilalaro si zuku. Si silas naman ay sumandal sa pader habang nakahalukipkip sa tabi lang ng study table ko malapit sa bintana. Samantala si maki at caden naman ay tumayo sa harapan ko.

"Yan ang una mong tatanungin pagdating namin? Bakit hindi mo muna ipaliwanag ang nangyayari?"- asik ni maki.

"Anong pumasok sa isip mo para gawin yun? Kung hindi ka pa nila pinarusahan ay hindi mo sana ipapaalam ang balak mo samin, ganun ba?"- sermon naman ni caden at hinila ang tenga ko.

"A-aray!"- reklamo ko at hinimas ang tenga kong namumula. "Naisip ko, mas mapapadali ang trabaho kapag ako lang ang nakakaalam. At isa pa, hindi niyo naman problema ito. Nagkataon lang talaga na nagkaproblema ako at hindi magawa yun kaya inutusan ko si silas na sabihin sa inyo."- paliwanag ko pa at humikab.

"Problema ng paaralan ang suliraning yan."- pagtatama naman ni maki at humalukipkip. "Partikular na sa mga kaklase naming kabilang sa mababang antas. Ibig sabihin lang nun, problema din namin ito."- punto niya.

"Sa susunod na gumawa ka na naman ng kakaiba nang wala kaming alam, pahihirapan ko ang buhay mo hanggang tumanda ka."- pinandilatan ako ng mata ni caden.

Nangilabot naman ako duon atsaka napa 'tsk' na lang.

"Kung ganun, ano ng nangyari sa plano?"- tanong ko kay silas.

How To Be The Villain (Complete)Место, где живут истории. Откройте их для себя