Kabanata 16

246 8 0
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"KAILANGAN mo ng pangalan."- puna ko kay bata na nakaupo sa harapan ko katabi ni silas.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kalesa para maglakbay patungo sa palasyo ng Hermedillia kung saan ang pinakasentro ng bansa.

Duon nakabase ang palasyo at ang Hermedillia School of Sorcery kung kaya't ang direksyon na pinupuntahan namin ay pa timog.

Mabuti naman at malinis at maayos tignan ngayon ang bata dahil binigyan siya ng kasuotan ni emett. Ang buhok niyang dilaw ay nakapusod pa kaya nagmumukha siyang maharlika.

"Ikaw na ang mag-isip."- bagot niyang utos habang nakahalukipkip pa.

"Hmm...bantot na lang."- asar ko na kinabusangot niya.

"Biro lang."- tawa ko at napahawak sa baba para mag-isip.

"Paano kung....Caden? Caden Larson?"- tanong at pinitik ang kamay.

Napanguso naman ito at kunwaring nag-isip pa kahit na halata namang gusto ang pangalan.

"Pwede na yun, mahinang nilalang."- walang gana niyang payag.

"Tsk. Kung ayaw mong malaman nilang isa kang agila, itigil mo yang kakatawag mo sakin ng mahinang nilalang."- reklamo ko.

Umirap lang naman ito sakin.

"Nga pala...caden?"- tawag ni silas. "Bakit ka nga pala umalis sa palasyo? Hindi ba't lahat ng agila ay dapat nasa palasyo?"- kuryuso nitong tanong.

Binaling ko ang paningin sa labas para kunyari hindi ako nakikinig at hindi ito mailang sa pagsagot niya.

"Ayoko ang lugar na iyon."- maya-maya'y tugon niya at napayuko.

"Sinasaktan ka ba nila?"- agap ni silas at biglang sumeryoso.

"Hindi ngunit ayoko ang pamamaaran ng kanilang pamamahala sa mga nilalang na tulad ko. Hindi man sila nananakit ngunit kung ituring nila kami ay parang wala kaming karapatan na maging malaya at magdesisyon para sa sarili namin."- malungkot nitong kwento habang ang mata ay puno ng galit.

"Kung ganun, paano ka nakatakas?"

"Hindi lamang ako ang may gustong tumakas kundi lahat kami. Ngunit ng gabing kami'y tatakas, nalaman nila ang balak namin. At ako lamang ang nakawala. Lahat sila....lahat ng mga kasama ko ay muling kinulong at kailanman ay hindi na nakatakas pa."- inis niyang kwento at kinuyom ang kamao.

"Kung ganon hindi ba dapat nagpapalakas ka ngayon?"- tanong ko dahilan para mapunta ang atensyon nila sakin.

Nanatili ang mata ko sa labas habang nakapandekwatro at nakahalukipkip.

"Binigyan ka nila ng tyansa at pag-asa para maging malakas. Tinulungan ka nilang makalaya para matulungan mo silang iligtas sa lugar na yun, hindi ba?"- nakangiting baling ko sa kanila.

"Hindi ibig sabihin nun na wala ka ng kwenta. Dapat gumawa ka ng paraan para maipaghiganti o matulungan sila. Dahil kung hindi mo yun gagawin, hindi tatahimik ang konsensiya mo. Habang buhay ka nun susundan hanggang sa hindi mo na kaya ang sakit dahil pinili mong walang ginawa."- patuloy ko pa dahilan para mapatulala silang dalawa.

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now