Kabanata 33

186 9 0
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"BUMALIK kayo sa loob!"- sigawan ng mga guro habang sumesenyas.

Mabilis namang nagsitakbuhan sa loob ang mga tao sa takot.

"Caden? Anong ginagawa mo?"- tanong ko ng hindi ito kumilos.

"Ganitong nilalang ang hinahanap ko."- ngisi niya habang nakatingala sa higanteng nakikipaglaban sa mga guro.

"Anong ibig mong sabihin?"- tanong naman ni vaughn.

"Hindi ba't kailangan kong maging malakas, mahinang nilalang?"- lingon sakin ni caden habang nakangiti.

Nang maintindihan ko ang sinasabi niya ay napabuntong hininga ako.

"Kung ganun, bumalik ka ng walang galos."- seryosong turan ko.

"Sinong may sabing magpapagalos ako? Tatalunin ko yan gamit ang mahika ko."- ngisi niya.

"Tara na."- lingon ko sa tatlo na nagtataka.

"Kayang-kaya niya yan. Sigurado ako."- paniniguro ko at tumakbo na papasok ng kastilyo.

Bagama't naguguluhan ay mabilis silang sumunod sakin.

"Waaaaahhhhhh!"

"Gagamba! Aahhhhhh!"

"Umalis ka!!!!"

"Anong nangyayari?"- tanong ni maki ng makita namin ang nangyayari sa loob.

Lahat ng estudyante ay nagkalat habang sumisigaw, tumatalon, at ginagamit ang kapangyarihan nila para lang makalayo sa mga naglalakihang gagamba sa sahig. Madaming mga gagamba ang nagkalat ngayon habang ang iba ay may gumagawa pa ng sapot sa taas.

"Napakaraming tao! Ang saya nilang pagmasdan!"- palakpak ng isang lalakeng nakalambitin sa taas habang pinapanood ang mga taong nagkakagulo.

May anim itong mata at dalawang paa ng gagamba sa likod.

"Mukhang mabubusog ang mga alaga ko!"- muling palakpak nito.

"Aish! Ang ingay!"- reklamo naman ng babaeng nakatayo sa barandilya ng ikalawang palapag.

Nakasuot ng pink na masikip na damit na may dalawang espadang nakasabit sa magkabilang bewang. Ang buhok na pink ay naka hulma ng patulis.

Oo nga pala. Bale apat ang kalaban sa eksenang ito.

"Maki, vaughn."- tawag ko sa dalawa dahilan para mapatingin sila sakin.

"Kayo ng bahala sa dalawa. May pupuntahan kami ni silas."- imporma ko na mabilis nilang tinanguan.

Hindi na sila nagsalita kung kaya't tumakbo na kami paakyat ni silas.

"Saan tayo pupunta?"- tanong ni silas habang nasa tabi kong tumatakbo.

"Sa taas kung saan nanduon ang pinuno nila."- ngisi ko at umakyat kami ng hagdan.

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now